|
|
| Kumanta ng 'Love Is A Many Splendored Thing', darating sa Pilipinas![]() Author: Alfie Lorenzo Wala talagang makapipigil sa legendary quartet na The Four Aces, na nagbigay sa atin ng mga timeless love songs tulad ng Love Is A Many Splendored Thing, Three Coins In A Fountain, Tell Me Why, It�s No (Sin), Stranger In Paradise, Perfidia, A Woman In Love, na lalong paiibigin ang mga Pinoy fans, dahil darating na sila rito sa Manila sa May 28 para sa kanilang series of shows sa June 1 to 4. Sa June 1 ay nasa Manila Hotel sila, sa June 2 ay nasa Clark Expo sa Pampanga, sa June 3 ay nasa Araneta Coliseum at sa June 4 ay nasa Hard Rock Caf� sa Glorietta, Makati City. Ang The Four Aces ay maituturing na most successful pre-rock vocal groups simula pa noong 1950�s. Hindi lang sila nakilala dahil sa magagandang kanta nila, kundi dahil sa husay nila sa pagpi-perform. Ang The Four Aces ay binubuo ng charismatic tenor na si Fred Diodati, guitarist at vocalist na si Joe Giglio, bass at trumpet player na si Harry Heisler at Frank Sinatra, impersonator ng grupo na si Joe Amato. Ang The Four Aces ay nagkaroon ng mahigit na 30 Top 40 hits until the late 1950�s. The Araneta show is made possible by the following sponsors: MCA Music Inc., Chrysler, ETC, Crime & Suspense, 2nd Avenue, DZMM 630, Energy 91.5, 92.3 Joey, DM 95.5, 96.3 WRock, 97.9 Home Radio, RJ 100.3, WRR101.9, 104.3 Business Radio and 105.1 Crossover. *** Last Sunday (9PM), ay humataw sa Shall We Dance? The Celebrity Dance Challenge ang bagong batch sa show na puro strong ang personalidad, lalo na ang beauty queen na si Melanie Marquez. Ang unang pair ay sina Desiree del Valle at Dennis Sy. Ang Second pair ay sina Melanie nga at Gemini Sangual. Ang ikatlong pair nga ay sina Philip Cesar at Susan Medalle. At ang ikaapat na pares ay sina Joshua Zamora at Jeneth Somosot. Overall, ang nag-top sa ranking last week ay sina Desiree at Dennis at kulang lang ng isang puntos sina Melanie at Gemini, pangatlo naman sina Joshua at Jeneth, at sina Philip at Susan naman ang panghuli, kaya kailangan nilang humabol. Ngayong gabi (Sunday), ibang level na ng kompetisyon dahil may isang pair ang kailangang matanggal kaya mas dapat silang humataw sa dance floor. Sino kaya ang unang matatanggal sa batch na ito? Well, watch n�yo na lang ang Shall We Dance? na hinu-host ni Lucy Torres-Gomez. *** Samantala, malakas man ang ulan at hangin last week, hindi pa rin natinag ang daan-daang Pilipinong nagnanais maging kauna-una-hang Philippine Idol sa idinaos na unang Fast Track sa SM Fairview noong May 12, Biyernes. Dinagsa rin ng mas marami pang tao sa inaasahan ang Fast Track sa SM Megamall noong Martes. Ang Fast Track sa Metro Manila at Luzon ay sponsored ng Manila Broadcasting Company at SM. Alas-siyete pa lang ng umaga nakaabang na sa labas ng SM ang mga sasali sa Fast Tracks pero 150 lamang ang cut-off sa bawat Fast Tracks kaya ang ibang hindi naksali ay maaari namang pumunta sa ibang Fast Tracks venue na gaganapin nationwide or sa main audition na mismo sa June 3 sa PICC . Iba�t ibang klase ng talent ang nasaksihan sa dalawang Fast Tracks na ito. Mayroong nagmala-William Hung without the dancing, meron namang feel na feel ang kanta kahit wala sa tono at meron din naman mala-rocker Christ Daughtry ang dating. Ang ibang sumali ay may kanya-kanyang baong istorya rin. Mayroon ngang nag-audition na galing pa sa kanyang shift sa call center, as in wala pa siyang tulog pero nagtungo sa SM para makasali sa Phil Idol. Meron ding ladyguard, na talagang pinalakpakan ng kumanta ng Aegis song, na nag-off sa kanyang duty para lang sa Phil Idol. Ang iba pa ngang hindi nakapasok sa top 10 sa SM Fairview ay nagbakasakali pa rin sa SM Megamall. Ang Fast Tracks ay nagbibigay sa interested applicants ng chance para ma-pre-screened at makapunta ng mabilis sa auditions proper. Ang mga mapipili sa Fast Tracks ay makakakuha ng special VIP PASS para sa audition proper. Ito ang kailang ticket sa "express lane" na ang ibig sabihin ang audition nila ay naka-schedule na at hindi na nila kailangan pang pumila ng mahaba para mag-try out sa audition proper sa Manila, Davao at Cebu. Ang gma pasok sa Fast Track mula North at South Luzon, Visayas at Mindanao ay maaari ring manalo ng free transportation, food at lodging pag nagpunta na sila sa main audition. Ito ang mga Fast Tracks schedule para sa Metro Manila at Luzon sa May at June: May 19 � SM Bicutan (Paranaque); May 26 � SM Baguio; May 27 � SM Southmall (Las Pinas), SM Centerpoint (Sta. Mesa) and CSI Mall San Fernando (La Union); may 30 � SM Valenzuela; June 1 � SM Manila; June 2 � SM San Lazaro; June 3 � SM Batangas; June 4 � SM Sta. Rosa; June 5 � SM Marilao (Bulacan). *** For comments and suggestions, mag-email lang sa alfie_lorenzo126@yahoo.com. Source: Abante |