|
|
| Kuya Germs, binibira si Angel!Column: Hot 'n Spicy Nakatanggap uli kami ng forwarded e-mail galing sa Diettiners (not Dietiters tulad ng lumabas sa kolum namin kahapon) at doon namin nalamang nagsalita na pala si Diether Ocampo sa TV Patrol last Tuesday night tungkol sa reaksyon niya sa Oyo Sotto-Kristine Hermosa issue. Ayon sa kanila, last week pa dumating ang aktor sa bansa. Awang-awa sila kay Diet, lalo na nang mapanood nila sa TV Patrol. Negatibo pa rin ang tingin nila kay Kristine at ang sympathy nila ay nasa aktor. Anyway, sinabi raw ni Diet sa Patrol na technically, wala na sila ni Kristine, kaya wala siyang karapatang magselos o masaktan. Sinabi rin daw ng aktor na hindi siya nasasaktan, pero may mga taong nasasaktan para sa kanya. Say pa ni Diet, available and single siya ngayon. Samantala, in another forwarded e-mail, nagrereklamo ang fans niya dahil unfair daw ang ASAP at ABS-CBN sa kanilang idolo. Presscon lang daw ang ibinigay ng network sa 10th anniversary nito sa showbiz, samantalang kina Piolo Pascual at Anne Curtis, engrandeng selebrasyon ang ibinigay. Matagal na rin daw silang nagre-request na ibalik na si Diet sa ASAP, pero until now, dinededma sila ng network. * * * Ang daming nagre-react sa pambibira ni German Moreno kay Angel Locsin na lumabas sa kolum niya sa isang tabloid kahapon. Marunong na raw palang manlait at tumira ang Master Showman. Not only that, dahil kritiko na rin daw pala si Kuya Germs. Kini-criticize niya kasi ang acting ni Angel sa Maalaala Mo Kaya. Sana lang, panindigan niya ang pagiging kritiko at punahin din ang acting ng iba to be fair. Nabasa rin namin ang nasabing kolum ni Kuya Germs at nakagugulat lang na mabasa ang mga ganu'n mula sa isang nirerespetong tao sa industriya. Sa huli, may linya pa si Kuya Germs na huwag sanang kalimutan ni Angel na muntik nang madiskaril ang career ni Jennylyn Mercado dahil sa ginawa niya at ng manager na paglipat sa kabilang istasyon. Nakalolokang komento coming from Kuya Germs, 'di ba? Nakalimutan siguro niyang isa siya sa mga haligi ng industriya at dapat, sa halip na palalalin ang problema, inaayos niya. Nakalimutan din siguro niya na dati siyang presidente ng Actors' Guild. Ang mas namamayani siguro sa kanya ngayon ay ang pagiging 'sundalo' ng Kapuso network. * * * Kagagaling lang ng Baywalk Bodies sa show sa Singapore, Dubai at Australia, kaya panandalian silang nanahimik. Pero ngayon, muling bubulaga ang kontrobersyal na all-female group sa bagong album, The Very Best of Baywalk Bodies, mula sa LDG Productions and Entertainment Recording Co. at distributed ng Galaxy Records. Sa presscon kahapon, ipinakilala ang mga bagong miyembro, pero hindi ito nangangahulugang buwag na ang orig na Baywalk Bodies. "Naiwan pa sa Australia 'yung mga orig, pero parating na ngayong November. 'Pag hindi ako kumuha ng bago at hindi ko ginawa 'yun, walang magpo-promote ng album. 'Pag may mga booking na show, sila ang naidaragdag kong pansalang. Wala siguro kaming casino tour kung hindi kami nagdagdag," paliwanag ng manager na si Lito de Guzman. Ang mga bagong miyembro ng grupo ay sina Kissa Kurdi, Wella Williams, Zest Zuniga, Lyna Leviste, Pantene Palanca (kapalit ng dating Pantene) at Analyn Abad. Nariyan pa rin ang dating members na sina Michaela Espinosa, Camay Cojuangco, Jeanette Joaquin at Rejoice Rivera. Appear Disappear ang carrier single ng album mula sa komposisyon ng dating child star na si Chuckie Dreyfuss. Susubukan ng grupo ang mga pambatang kanta, although hindi mawawala ang sexy image. Source: People's Tonight |