Oct 13
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Kuya Germs, naggi-guest ng kung sinu-sino lang?

Biglang naging isang issue ang tungkol sa anak ni Katherine Luna, isang bagay na pribado sana kung hindi lamang naglalalabas sa tv ang female bold star na yan at nagkukuwento tungkol sa mga problema niya sa kanyang anak, at sa umaakong biological fathe...

 

Kuya Germs, naggi-guest ng kung sinu-sino lang?

Column: Isyu At Banat
Author: Ed De Leon

Biglang naging isang issue ang tungkol sa anak ni Katherine Luna, isang bagay na pribado sana kung hindi lamang naglalalabas sa tv ang female bold star na yan at nagkukuwento tungkol sa mga problema niya sa kanyang anak, at sa umaakong biological father na isang baguhan din, si Coco Martin.

Marami nga ang nagsasabi, wala pang lumalabas na pelikula yang si Coco Martin, mayroon na agad siyang nasagupang isang iskandalo. Pero kasalanan nga ba niya ang nangyari?

Kaya raw nag-ingay yong Katherine Luna ay dahil sa narinig niyang gusto raw na ipa-DNA test ni Coco ang kanilang anak para matiyak kung siya nga ang ama ng bata. Hindi yun nagustuhan ni Katherine kaya gusto niyang alisan na lang ng karapatan si Coco sa kanyang anak.

Hindi sa kumakampi kami kahit na kanino. Hindi na kailangang magpunta ni Katherine sa hukuman, at lalo namang wala sa ayos ang pagpunta niya sa media, dahil sa ilalim ng batas, ang anak niya ay anak lamang niya. Hindi ito legal na anak ng tatay noon dahil hindi naman sila kasal. Kaya yong sinasabi niyang pag-aalis ng karapatan kay Coco, hindi na kailangan pang pag-usapan iyon.

Hindi mo rin naman masisi iyong si Coco kung hilingin man niya ang DNA testing, dahil noong nagbubuntis palang yang si Katherine, naging pahulaan pa nga kung sino ang tatay ng kanyang anak. Kasama sa mga pinagbintangan noon sina Diether Ocampo at Paolo Bediones. Sa hulaan, ni hindi halos nababanggit ang pangalan ni Coco Martin, ganoong siya pala ang tunay na tatay. Hindi mo maiaalis na minsan baka nagkakaroon din naman siya ng duda.

* * *

Hindi na nagawang mainis ni Kuya Germs doon sa mga comments na ang show naman daw niya ay puro mga unknown ang guests. Ang mga nagsasalita naman ng ganyan ay walang ibang motibo kundi ang inggit sa Master Showman.

Hindi mo naman masisisi ang mga inggiterong iyan, dahil ang ibang mga shows ay hindi mabubuhay kung walang mga sikat na guests, kaya nga nag-aagawan ang ibang mga shows kung sino ang sikat, si Kuya Germs ay hindi kailangang gawin iyon.

Hindi man masyadong sikat ang kanyang mga guests, dahil sa naiiba niyang format at nai-establish na goodwill, nanonood sa kanya ang mga tao na pinatutunayan ng kanyang magandang ratings sa US at maging dito sa atin kahit na wala siyang mga guests na big time stars.

Dapat nga siyang kainggitan hindi ba?

* * *

Hindi namin alam kung bakit napakalakas ng ugong na badingding din daw ang isang male star na napaka-wholesome dati ng image at kabilang ngayon sa isang napaka-wholesome din namang tv show. Kung titingnan mo siya, guwapo naman, at maganda pa ang body built, pero hindi namin malaman kung bakit maugong na maugong ang mga tsismis diyan na isang badingding.

Kung ang tatanungin mo ay ang blind item queen na si Wendell Alavarez, ang isasagot lang niya sa iyo ay "kung may usok, may apoy".

Source: Pilipino Star Ngayon