Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

LARA QUIGAMAN, TSINUGI ULIT SA 'WOWOWEE' DAHIL KAY MARCO!

LARA QUIGAMAN, TSINUGI ULIT SA 'WOWOWEE' DAHIL KAY MARCO!

Author: Ruel Mendoza

DAHIL daw sa kumalat na balitang nanliligaw si Marco Alcaraz kay former Miss International na si Precious Lara Quigaman, muli na naman siyang tinanggal sa paghu-host ng Wowowee.

Kung matatandaan ay unang natsugi si Precious sa naturang noontime show ni Willie Revillame nang padalawin nito ang kanyang boyfriend sa set ng Wowowee. Nagulat na lang daw si Precious nang sabihan siya na huwag na siyang mag-report sa show dahil tanggal na siya.

Nitong mga hu­ling weeks ay buma­lik si Precious at mukhang okey na ang lahat sa kanila ni Willie. Pero noong lumabas ang balitang nakikipag-date ito kay Marco, hindi na naman daw siya pinaghu-host at sinabihan siyang huwag nang mag-report sa show.

“I don't know the real reason talaga? I just got a call from them at sinabing huwag na raw akong mag-report kasi marami na raw ang co-host ni Willie. I said okey lang, ganu'n lang naman 'yon, eh.

“What I know lang is special co-host lang ako tuwing Sabado sa Wowowee. Tapos sinabi rin nila na magiging regular na ako on weekends.

Pero biglang sinabi sa akin na huwag na akong mag-report. May nagsabi sa akin na ganito ang nangyari. I just don't know what's real anymore,” pahayag ng beauty queen.

Inamin nga ni Precious na nakikipag-date siya kay Marco. Wala naman siyang nakikitang masama dahil wala naman daw siyang boyfriend.

“Matagal ko nang kilala si Marco and yes, we do go out. Pero hanggang doon lang. He's not formally courting me or anything. Friends lang kami ni Marco. You can ask him yourself. Magkaibigan lang kami talaga and nothing serious is happening between us. Masama na ba ang makipag-date?” sabi pa ni Precious.

So, si Marco nga ang dahilan kung bakit natsugi siya ulit sa Wowowee?

Balitang nagseselos daw si Willie sa mga nali-link sa kanya?

“If they are going to make a big deal out of it, wala na akong magagawa. Marco is just a friend. It's fine with me kung ayaw na nila akong makita sa Wowowee. Sa akin lang, I did nothing wrong at na­ging professional ako sa trabaho ko. Huwag naman sana nilang paghaluin ang personal sa trabaho!” sabi na lang ni Precious Lara.

Source: Abante