Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

LEA, NAGING LEON SA SOBRANG GALIT!

LEA, NAGING LEON SA SOBRANG GALIT!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

Obviously, nabasa ni Lea Salonga ang blog tungkol sa insidente na kinasangkutan ng Dela Paz at Pangandaman families na nangyari umano sa Valley Golf Country Club sa Antipolo City noong December 2008.

Obviously again, masyadong natangay si Lea ng kanyang damdamin kaya matinding mga salita ang kanyang pinakawalan tungkol sa nabanggit na insidente.

For the first time in her multiply account, gumamit si Lea ng mga salita na hindi natin aakalain na masasabi niya dahil sa sobrang galit.

Hindi na namin isusulat ang mga sinabi ni Lea pero kung resourceful kayo, makikita ninyo sa Internet ang kanyang multiply account at siguradong makikiayon kayo sa aming opinyon na naging leon si Lea.***

Pormal na ipinakilala si Dingdong Dantes bilang bagong endorser ng Goldilocks sa big launch na ginanap sa Santan Room ng Edsa Shangri-la Hotel noong Biyernes.

Nagkaroon ng market study ang naturang kumpanya at sa kanilang survey, ang pangalan ni Dingdong ang nanguna sa listahan ng mga male celebrity dahil sa kanyang taint-free image at credibility.

Besides, nalaman nila na bata pa lang, pat­ron na ng Goldilocks si Dingdong. Hindi nagdalawang-isip ang aktor na tanggapin ang offer na maging endorser nila dahil malaki ang paniniwala niya sa mga produkto ng kanyang favorite one-stop foodshop.

Paborito ni Dingdong ang ensaymada, chocolate polvoron, dinuguan, bangus at lumpia nila.

Mahilig sa matatamis si Dingdong kaya ikinatuwa niya ang ba­lita na magkakaroon na rin ng sugar free food pro­ducts ang original Filipino bakeshop/restaurant.***

Rainforest piano, wonders of the world, invisible vault, jum­per at birds ang ilan sa mga ipakikita ni Ariel & Maverick sa Bilib Ka Ba Nights Masquerade ng GMA 7.

Dinala nina Ariel at Maverick ang mga special video ng Masquerade sa isang jeepney terminal para mapabilib nila ang mga tao roon.***

May nagkuwento sa amin na kapwa babae ang karelasyon ng isang sikat na female TV persona­lity. Personal na nakita ng aming source ang female TV personality at ang tomboy na nali-link sa kanya sa isang out-of-town trip.

Reliable ang tao na nagbalita sa amin pero mahirap patunayan na may relasyon ang dalawa.

Lalong hindi aamin ang female TV persona­lity dahil masyado itong malihim. Hindi siya ka­tulad ni Lindsay Lohan na ipinagmamalaki pa sa buong mundo ang relasyon nila ni Samantha Ronson.

Ayaw na ayaw ng female TV personality na pinag-uusapan ang kanyang lovelife. Nag-deny nga siya noon na boyfriend niya ang lalake na palaging kasama, kahit nakikita sila na naghahalikan.***

Sa dami ng nude scenes nina Gwen Garci at Marco Morales sa Butas, namemorya ng mga nanood sa special preview ang mga tattoo sa kanilang mga katawan.

Para sa amin, pinaka-daring sina Gwen at Marco sa listahan ng mga artista na naghuhubad sa mga indie movie.

So far, walang nakakahigit sa mga frontal nudity scene nila sa pelikula. Showing sa January 15 ang Butas at umaasa ang producer ng pelikula na hindi kakatayin ng MTRCB ang mga eksena.

Butas ang pamagat ng pelikula dahil may mga butas ang testimony ng karakter ni Allen Dizon tungkol sa tunay na rason ng pagpatay sa papel na ginampanan ni Marco.

Kasama sa cast ng Butas si Mercedes Cabral pero hindi masyadong napansin ang participation niya sa pelikula.***

Nagtatanong ang reader na si Jaime Santos kung pupunta ba kami sa Washington DC sa Ja­nuary 20 para sa presidential inauguration ni Barack Obama.

Hindi ang aming sa­got. Most likely, pa­nonoorin namin sa TV ang panunumpa ni Obama bilang bagong pangulo ng USA. Big fan ni Obama si Jaime kaya gusto nito na matikman ang Obama chocolate na ipadadala sa amin ng kaibigan na Washington based at nagtatrabaho rito bilang chef. Why not?

Source: Abante