|
|
| LJ Reyes surprised by sudden death of her character in "Babangon Ako't Dudurugin Kita"![]() Author: Rose Garcia Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si LJ Reyes sa Trinoma Mall, Quezon City. Masaya nitong ikinuwento na kagagaling lang niya mula sa ilang araw na bakasyon sa Montemar Beach sa Bataan, kasama ang kanyang mga non-showbiz friends. Pero nang itanong namin kung kasama rin ba sa entourage ang apo ng may-ari ng SM chain of malls, na sinasabing boyfriend ng young actress, mariin ang naging pagtanggi nito. Puro mga kaibigan niya lang daw ang kasama niya. UNEXPECTED DEATH. Timing daw yung pagbabakasyon niya ng ilang araw sa beach dahil natapos na siyang mag-taping para sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, kung saan pinatay na ang character niya. Hindi itinanggi ni LJ na nagulat siya nang patayin ang character niya sa drama series ng GMA-7. "Well, medyo nagulat din po nang malaman ko na talaga pong papatayin na pala yung character ko. Kasi ang alam ko po talaga, noong unang in-offer sa akin ang role sa Babangon, hindi po talaga regular na every taping days, may taping ako. Pero hindi ko po alam na saglit lang pala, mawawala rin ako agad. Pero okey lang po. Ganoon naman po siguro talaga," kibit-balikat pero nakangiti pa ring pahayag ng young actress na produkto ng StarStruck Batch 2. Hindi ba siya nanghihinayang na dahil sa pagpili niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita ay nawala naman sa kanya ang Dyesebel na in-offer din sa kanya? "Siyempre po, nanghinayang din po talaga," pag-amin ni LJ. "Unang-una po, napakalaking project ng Dyesebel. Pero may problema pong talaga kung in-accept ko noon ang Dyesebel dahil posible po kasing magkaroon ng conflict sa schedule ko naman po sa school. At saka siyempre po, unlike sa Babangon, malalayo po yung mga location ng Dyesebel dahil dagat pong talaga. "Pero kung nanghihinayang, siyempre kahit paano, hindi po mawawala yun. Pero sabi ko nga po, ganoon po talaga," aniya. NOT BECAUSE OF ALFRED. Pinabulaanan naman ni LJ na kaya hindi niya tinanggap ang role na isang sirena sa Dyesebel ay sa dahilang makakasama niya rito ang ex-boyfriend niya na si Alfred Vargas, na gumaganap naman bilang isang merman. Sabi naman ni LJ, kahit daw itanong pa namin sa executive producer ng show, hindi raw si Alfred ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang Dyesebel. "Hindi po talaga siya ang reason," giit ng young actress. "Alam ko po, itatanong talaga sa akin 'yan in the future, pero hindi po talaga siya. Nagkataon lang po na nakapag-enrol na po kasi ako sa school for the next term." Dagdag ni LJ, wala raw problema sa kanya kung dumating man ang time na magkatrabaho ulit sila ni Alfred. Sumasang-ayon din siya sa madalas sabihin ni Alfred na maganda naman ang naging breakup nilang dalawa. "I agree that the breakup was a good one. Friendship will remain present between us," saad ng dalaga. HERO'S CRUSH. Samantala, natawa naman si LC nang hingan namin ng reaction sa naging guesting ni Hero Angeles para sa "Balakubak" segment ng Nuts Entertainment na ipalalabas mamayang gabi (May 3). Napaamin daw ang young actor na among the Kapuso stars ay si LJ ang type niya. "Well, flattering po na crush niya ako. Nagkakilala at naging partner na rin po kaming dalawa before sa isang episode ng Maynila," sabi ni LJ. Source: Philippine Entertainment Portal |