|
|
| LJ, pinasusunod ng ina sa US!![]() Column: Suntok Sa Buwan Inamin ni Mike Tan na nagseselos siya kay LJ Reyes kapag nakikipag-usap ito sa ibang lalaki na halatang may gusto dito. Nagseselos din siya kapag may t-bird na nagkakagusto sa dalaga. Isa sa pinakamahalagang regalong ibinigay niya kay LJ ay ang paborito nitong shit-zu. Natupad na rin sa wakas ang pangarap ng aktor na magkaro’n ng pelikula via Lovestruck ng GMA Films. Siya si Jason na itinuturing ni Jennylyn Mercado o (Denise) na prince charming. Sa kabilang banda, pinabulaanan ni LJ na magma-migrate na siya sa Amerika para makapiling ang kanyang mommy na dun nagtatrabaho. Mas gusto pa niyang sa bansa mamirmihan dahil enjoy siya ngayon sa kanyang career. Naka-petition pa rin siya pero sa ngayon, ayaw muna niyang pumunta ng America dahil sa rami ng commitment. Si Kristine Pa Rin Ba At Diet Hanggang Ngayon? Nasa ICU kami ng Philippine Heart Center kung saan narun pa rin ang aking ama. Halos katapat nito ang kwarto ng maysakit na lola ni Kristine Hermosa na dinadalaw ng aktres. Isang araw ay nakita ng mga nurses at ilang pasyente si Diether Ocampo na dumalaw sa lola ng aktres.Ang tanong tuloy sa amin ng ilang nurses ay kung sila pa rin bang dalawa ni Diether? Fans sila ng mga ito at gusto rin nila na sanay magkatuluyan (uli) sina Diet at Tintin sa tunay na buhay. "Bagay kasi sila at alam naming narun pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa," sey ng ilang nurses. Nanamlay ang career nila nang maging kontrobersyal ang kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan. amimili Ng CD Para Sa Baby NSuper excited ngayon si Christopher Roxas dahil nalamang baby boy ang isisilang ni Gladys Reyes. Kaya namimili ito ng CDs na pang-lullaby gaya ng waltz ni Beethoven.Tuwing umaga ay pinatutugtog nila ito para sa kanilang baby. Pinagbabawalan ni Chris na uminom ng softdrinks ang kanyang misis. Blind Item: Hindi Na Nga Binabayaran, Ipinahuhuli Pa Nakakwentuhan ko ang isang character actor na panay ang himutok sa isang prodyuser. "Nagsyuting ako ng two days sa kanila. Nabayaran na ang unang araw ko pero yung para sa second day ay pinabalik-balik ako. Nang matyempuhan ko naman siya at singilin ay nagalit ito at sinabihan akong huwag siyang singilin at baka ipahuli niya ako. Maliit ang TF ko pero prinsipyo lang ang ipinaglalaban ko," sey nito.Pamosong lady produ ang nilapitan ng character actor. Source: Pilipino Star Ngayon |