|
|
| LORNA, 'NAGPAALAM' NA SA GMA 7![]() Author: Abante KASAMA ang kanyang manager na si Lolit Solis, nagpunta si Lorna Tolentino noong Huwebes ng hapon sa opisina ni GMA 7 SVP for Entertainment TV Wilma Galvante para personal na magpasalamat at magpaalam dahil tinanggap na niya ang alok ng ABS-CBN. Isang primetime TV series ang magiging project ni Lorna sa ABS-CBN. Makakasama niya sina Gabby Concepcion at Albert Martinez. Good example si Lorna sa mga artista na lumilipat sa ibang TV station. Nagpaalam siya nang maayos at pinatunayan niya na puwedeng manatili ang magandang relasyon ng isang artista sa TV network na kanyang iniwanan. Pero may mga nalungkot sa pag-alis ni Lorna sa GMA 7 dahil nawala ang pagkakataon na mapanood sila na magkasama sa isang TV show ng kanyang stepson na si Mark Anthony Fernandez. Exclusive contract star ng GMA 7 si Mark. (Jojo Gabinete) Sa Kapamilya network na nga mapapanood ang biyuda ni Rudy Fernandez na si Lorna Tolentino. Isa raw kasi sa mga nagustuhan ni LT sa kontratang ino-offer ng ABS-CBN sa kanya ay ang dalawang movie na puwede niyang gawin under Star Cinema, bukod pa siyempre sa ilang TV shows na gagawin niya. May offer kasi ang GMA-7 kay LT na afternoon series, ang remake ng Saan Darating ang Umaga, na kung saan ang role na dating ginampanan ng namayapang aktres na si Nida Blanca sana ang ipo-portray niya. Maganda ang naturang role at parang swak sa sitwasyon ni LT ngayon na kailan lang din ay namayapa ang asawa. Pero, tinanggihan na nga raw niya ito. Balitang si Heart Evangelista naman ang gaganap sa dating role ni Maricel Soriano. Anyaway, sinigurado naman ng manager ni Lorna na si Lolit Solis na hindi magsusunog ng tulay si Lorna sa GMA. Gusto nga niyang maging maayos ang relasyon nito sa Kapuso network, kahit pumirma na ito ng kontrata sa Kapamilya network. Source: Abante |