|
|
| LT may pakiusap sa mga gustong makiramayColumn: Eksenadora Bagama'T patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa dalawang huling araw ng lamay ni Rudy Fernandez sa chapel ng Heritage Park sa Taguig, naka-kalungkot isipin na sa gitna ng pagdadalamhati ng mga mahal sa buhay ni Da-boy, marami pa rin ang gustong manamantala sa sitwasyon. Napakinggan namin ang panayam ni Lorna Tolentino sa Boy and Kris kung saan nagkaroon ng tribute ang show na ito para sa tinaguriang Baby Face ng action films. Sinabi ni LT, totoong she is trying to be okay at kasabay nito ay nakiusap ang naulila ni Daboy na sana ay bigyan galang din ng mga naroon ang labi ng asawa. Napag-alaman naming nagkaroon ng konting kaguluhan sa ikalawang gabi ng lamay at talagang tila hindi ma-control ng security ang mga taong gustong masilip ang labi ni Daboy. Nakiusap din si LT na sana'y magkaroon ng ko-opersyon ang lahat ng gustong magbigay- galang sa kanyang asawa. Bukod sa ilang kaguluhan, may mga nawalan din umano kasi ng cell phone at nagkakatulakan pa raw. Hay naku, sana maiwasan ito lalo na sa araw ng libing ni Rudy bukas. 'Yung iba naman kasi, siguradong nakikiusyoso lang at gustong kunin ang oportunidad para samantalahin ang pagkakataon kaya nando'n sa lugar. 'Wag naman po gano-on. Bigyang-galang naman natin ang mga taong nag-dadalamhati. Alam namin kung gaano kasakit na ma-walan ng mahal sa buhay. Kung gaano kahirap ang pagtanggap sa sitwasyon. Muli ang aming pakikiramay sa mga naulila ng isa sa mga haligi ng industriya, si Daboy. * * * Sa July 12 pala (espesyal na araw po ito for me) ay nasa New Jersey sina Willie Revillame at ang buong tropa ng Wowowee. This time, sa Atlantic City naman sila tutungo at magpapasaya ng mga Pinoy doon. May mga kamag-anak kaming based sa New Jersey kaya knows naming malaki ang following ni Papi sa East Coast. Ang tanong, may bago naman kayang intriga silang iuuwi pagdating sa 'Pinas? Kunsabagay, hindi na rin naman bago ito. Sino naman kaya ang maiisyuhan na nagdala ng dyowa sa tour o 'di kaya naging pasaway sa trip na ito? Well, sa tingin namin unfair kay Wilie kung sa kanya ibintang ang pagka-tsugi lagi ng co-hosts niya, 'di ba? Kasalanan ba ni Willie kung pasaway at nag-iinarte ang mga kasamahan niya sa show? Hindi, noh! Muli, lagi naming sina-sabi, bihira lang dumara-ting ang oportunidad sa atin. we should not let them pass, we should not miss the chance. * * * Marian Rivera is still GMA 7's pride. 'Yan naman ang hindi namin puwedeng itangggi. In fairness, kahit anong intriga ang ibato kay Marian, kesehodang sabihin pang nagmamaldita siya't lahat, still, hindi ito nakabawas sa kanyang popula-ridad. Sana ito ang ingatan ni Marian. Ang pagmamahal at suporta ng mga tao sa kanya. Napatunayan ng dalaga na kayang-kaya ni-yang dalhin ang Marimar noon, in fact mas nakilala nga si Dingdong Dantes nang dahil sa team up nila. Well, wish namin na ma-ging kasing hit din ng Dyesebel ang unang seryeng ginawa ni Marian. How true na mas nauunahan na sila ng Lobo, nilalamon na raw sila ng ratings ng Lobo? Kayo ang tunay na nakakaalam. Source: Taliba |