|
|
| LT, nurse ni Daboy sa LA![]() Author: Aster Amoyo Nakaka-inspire ang showbiz couple na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino dahil sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan ngayon sanhi nang pagkakaroon ng sakit na kanser (stage IV ng periampullary cancer) ni Daboy (Rudy) ay nananatili silang matatag at masaya kasama ang kanilang mga anak at malalapit na kaibigan. Kapag nakita ninyo si Daboy, hindi ninyo iisipin na ito'y may sakit. Masayahin at palabiro pa rin ito hanggang ngayon at tanggap niya kung anuman ang kaloob sa kanya ng Diyos. Pero patuloy siyang nakikipaglaban alang-alang sa kanyang pamilya. Ang pagkakaroon ni Daboy ng sakit ang naging daan para lalo itong mapalapit sa Diyos at sa kanyang pamilya. Dito rin napatunayan ni Daboy kung sino ang kanyang tunay na mga kaibigan na hindi bumitaw sa kanya at kasama na rito ang kanyang mga bosom buddies na sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador. Mag-iisang buwan nang nasa Amerika ang mag-asawang Daboy at LT dahil sa ongoing treatment doon ni Daboy pero nakatakda silang bumalik ng Maynila ngayong April 17. Muli silang babalik ng LA sa Abril 28 para sa 3rd cycle rexin-9 therapy ng aktor. Sa bahay ni Sen. Jinggoy sa LA nakatira sina Daboy at LT. Si LT and tumatayong special nurse ni Daboy. Hindi naman daw nahihirapan si LT sa kaniyang pasyente dahil masunurin umano ito. * * * Nung nakaraang Enero ng kasalukuyang taon ikinasal ang batang-bata at matapang na radio and TV commentator na si Anthony Taberna ng Nueva Ecija sa maganda niyang misis na si Rossel Velasco ng Laguna. Sa kabila ng kanyang kabataan ay napakatapang niya sa kanyang mga komentaryo sa kanyang Punto por Punto sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN at sa kanilang Dos por Dos tandem ni Gerry Baja sa DZMM. Dahil sa kaniyang katapangan, parte na ng kanyang pang-araw-araw na buhay ang mga banta at pananakot na nagmumula sa mga taong kaniyang nasasaling sa kanyang mga komentaryo. May pagkakataon pa nga na kinausap umano siya ng kanyang biyenan na ayaw nitong mabalo kaagad ang kanyang anak na si Rossel. Tulad nina Korina Sanchez at Ted Failon na mga kasamahan din nina Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZMM TeleRadyo, hindi natatakot si Anthony na manganti ng mga kilalang personalidad sa gobyerno lalo pa't katotohanan lamang ang kanyang inilalahad sa himpapawid. * * * Magbibida na rin sa wakas ang seksing kontrabida ng MariMar na si Katrina Halili sa sarili niyang sine nobela, ang remake ng pelikulang Magdusa Ka na pinagbidahan ni Dina Bonnevie sa bakuran ng Viva Films. Excited si Katrina sa sisimulan niyang TV series kung saan niya makakasama sina Dennis Trillo at Iwa Moto. First taping day nila ngayong April 21. May bagong manager na ngayon si Katrina, si Rommel Gacho ng GMA. Hindi na siya nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center pero mananatili siyang Kapuso. * * * Nakakatuwa si Gabby Concepcion dahil isa-isa nitong binabalikan ang dating mga kaibigan sa showbiz. Bago siya lumipad patungong Amerika kung saan siya namalagi sa loob ng 13 taon bago siya bumalik, kay Bhoy Navarette siya nagpapagupit dahil si Bhoy din ang (dating) official hairdresser ng kanyang dating manager na si Manay Lolit Solis. Nang bumalik si Gabby, isa si Bhoy sa mga una niyang pinuntahan para magpagupit. Tuwang-tuwa naman siyempre si Bhoy dahil hindi nagbago si Gabby sa kabila ng pagkawala nito sa bansa ng maraming taon. Nung buhay pa si Ate Luds (Inday Badiday), si Bhoy din ang kanyang official hairdresser at make-up artist. Maraming celebrities din ang nagdaan sa mga kamay ni Bhoy sa larangan ng pagpapaganda pero ang ilan sa pinaka-loyal kay Bhoy hanggang ngayon ay sina Annabelle Rama, Jamie Rivera, Nadia Montenegro, Lotlot de Leon at iba pa. * * * Sa kabila na mag-aanim na buwan na ang dinadala ni Jennylyn Mercado sa kanyang sinapupunan courtesy of young actor Patrick Garcia, patuloy pa rin itong rumaraket sa pagkanta. Ayon kay Jen, hangga't may kumukuha ng kanyang serbisyo at hangga't kaya niya ay gusto niyang magtrabaho. In a few months time ay ganap nang isang ina si Jen. Kung magiging normal ang kanyang panganganak, isang buwan lamang umano ang kanyang hihintayin at agad niyang babalikan ang pagtatrabaho dahil kailangan niyang kumayod alang-alang sa kanyang baby. Ayaw nang pag-usapan pa ni Jen ang kanyang (dating) nobyo at ama ng kanyang isisilang na si Patrick dahil matagal na umano silang walang komunikasyon. Maibalik kaya ni Jennylyn ang dating sigla ng kanyang career tulad ng nangyari kay Valerie Concepcion na kung kailan naging nanay ay tsaka mas pumatok? Bukod sa pagiging bread winner ng kaniyang pamilya, gustong paghandaan ni Jen ang magandang future ng kanyang isisilang kaya magtatrabaho siya nang husto. Kung July o August siya manganganak, by October this year ay tiyak na aariba muli si Jen sa kanyang trabaho bilang Kapuso star. * * * May balita na may napupusuan umano ngayon si Piolo Pascual at non-showbiz umano ang girl na kanyang nakilala sa Bible study pero walang pag-amin na nagmumula kay Piolo na itinutukso ngayon sa nanay nina Lorin at Venice Bektas na si Ruffa Gutierrez. Hindi ikinakaila ni Piolo na crush niya ang ate nina Richard at Raymond Gutierrez at ito'y nakarating na rin kay Ruffa na nangingiti lamang sa mga panunukso sa kanila ng press. Loveless ngayon si Ruffa at wala pa ring commitment si Piolo kaya hindi imposible kung talagang tatrabahuhin ng singer-actor. Naku-conscious si Piolo kapag siya'y tinutukso kay Ruffa. Magkaroon kaya ng bagong development lalo't wala nang plano pa si Ruffa na makipagbalikan sa kanyang dating mister na si Yilmaz Bektas na nali-link naman ngayon sa 2006 Miss Universe na si Zuleyka Rivera? * * * Personal: Belated birthday greetings to Mother Ricky Reyes na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon lang, Abril 12. Ang aming pagbati din sa DZMM TeleRadyo sa kanilang ika-isang anibersaryo. Source: The Philippine Star |