|
|
| Laguardia, pagbabatiin sina Joey at WillieAuthor: People's Tonight KAGABI ay parehong ipinatawag ni Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman Consoliza Laguardia sina Joey de Leon at Willie Revillame malamang para pagbatiin. Ito'y matapos lumabas ang balitang papatawan ng Board ng sanction ang hosts ng magkalabang noontime show na Eat Bulaga at Wowowee dahil sa ginawang pagsasagutan sa ere nu'ng Huwebes. Si Willie, dumating, si Joey naman, may taping. Ang alam namin, mas close si Chairman sa estranged hubby ni Liz Almoro, dahil dati nga'y buong ningning pa itong dumadalaw sa studio ng noontime show ng ABS-CBN. So, kung mapagbati nga sila ni Laguardia, although maganda naman sana ang intention, sino sa tingin n'yo ang labis na makikinabang, si Joey ba o si Willie? * * * STILL on the Joey-Willie brouhaha resulting from the alleged anomaly sa Wilyonaryo segment ng WWW, gusto po naming bigyang daan ang ilang sensible comments na na-receive namin sa e-mail kahapon. Narito po, mula kay Elsie Joy Palma <elsiejoy. palma@yahoo. com. ph>: “Paki lang po kay Willie Revillame, 'wag naman niya masyadong iangat ang sarili niya at ipangalandakan sa tv na marami siyang natutulungang mahihirap. “Excuse me po, sina Rosa Rosal at Boots Anson-Roa ang dami ring natulungan, pero never natin nakita o napanood na nagsisigaw sa tv para lang ipagmalaki na marami silang natutulungan. “Ang pagtulong nina Ms. Rosal at Ms. Roa, walang kapalit na hinihingi. Tumutulong sila hindi para mag-rate ang mga show nila. At hindi nila ginagamit ang pagtulong para lang maabsuwelto sa mga kaso. Si Willie po, everytime na may kasong kinakaharap, lagi niyang binubuwelta sa tao na gusto lang niya makapagpasaya at marami siyang natutulunganng mahihirap na kababayan. “Utang na loob ang tunay na pagtulong, hindi 'yan pinamamalita at hindi 'yan ginagamit na kasangkapan para lang kampihan ka ng tao sa mga issue against you. “'Ika nga ni FPJ, ang ginagawa ng kanang kamay, 'wag ipamalita ng kaliwang kamay. Lalo pa kung hindi naman sa sarili mong bulsa galing ang tinutulong mo sa tao. Maraming artista at hindi artista ang tumutulong sa mahihirap nang walang publicity. 'Yan po ang tunay na pagtulong! “So, Willie, enough na ang pag-aangat sa sarili na marami kang natutulungang tao. Nakakaalibadbad pakinggan. Walang sincerity. “P. S Kung nagrereklamo si Willie na mahirap mag-host ng nang-iisa ng 3 hours, eh, bakit ayaw nilang kumuha ng co-host? Dahil takot si Willie matalbugan ng makukuha nilang co-host? Pati ba naman 'yan, kailangan pang ipamarili sa tao, as if naman siya lang ang nihihirapan sa show niya? Eh, sumusuweldo naman siya kahit nahihirapan siya. So, ano ang inirereklamo niya? Mula kay Emma Caparas <emmcee79@yahoo. com>: “Dapat kay Valerie Concepcion mag-aral si Willie umiyak nang may luha. Aba, mas malakas pa ang tulo ng luha ni Valerie kay Willie. Kung si Willie, kulang sa luha, si Valerie oa naman. At puwede pakisabi kay Willie, 'wag n'ya laging isumbat na marami siyang natutulungan at napapasayang tao. Hindi lang siya ang artista na nakakatulong at nakakapagpasaya ng tao. Kahit si Mura at Mahal,sa maliit nilang paraan may napapasayang tao. Kaya 'wag niyang ipagyabang na siya ang sugo ng Diyos dito sa mundo na nakakatulong at nakakapagpasaya ng tao. ” Source: People's Tonight |