|
|
| Lakas ng TFC, kinonsideraAuthor: Ogie Diaz TINAWAGAN muna namin si Ate Lolit Solis para ipagpaalam sa kanyang pupuntahan namin si Gabby Concepcion sa The Buzz. "Oo naman, anak. Alam ko namang idol mo 'yon, 'no! Magmamaldita pa ba 'ko, eh, number one fan ka ni Gabby nu'ng araw pa?" Hehehe. Juice ko, dalawa sila ni Aga Muhlach na fan na fan ako, 'no! Ang sarap balikan ng nakaraan. Kaya ayun, 3:30 p. m. pa lang, nasa ABS-CBN na kami para abangan si Gabby. At sa totoo lang, nu'ng makita namin siya, feeling namin, kami ang tumanda, ah? Hindi nagbago ang mukha. Pula pa rin ang lips, ang ganda pa rin ng ngipin at macho pa rin ang lolo n'yo. Sabi namin kay Gabby nu'ng memeyk-apan, "Hindi mo na kailangang magpa-make-up, maganda pa rin ang kutis mo!" Sabi ni Gabby, "Okay lang. Thirteen years, ngayon lang uli ako nameyk-apan," kaya tinandaan pa ng aktor ang nag-make-up sa kanya na si Tess. May isang teleserye, isang Maalaala Mo Kaya episode at isang movie under Star Cinema ang gagawin ni Gabby. "Iba talaga 'pag Kapamilya ka!" Feeling namin, eto ang mga rason kung bakit mas pinili ni Gabby ang maging Kapamilya kesa maging Kapuso, kahit pa meron siyang isang movie na gagawin sa GMA Films. Una, 'yun ang gusto ni Mommy Rose Flaminiano, ang manager niya ngayon. Pangalawa, nandu'n sina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Feeling namin, kinumbinsi rin siya ni KC. Kasi nga naman, naghiwalay na nga sila nang matagal na panahon, pati ba naman sa network, magkahiwalay pa rin? Pangatlo, kinonsidera rin ni Gabby ang lakas ng TFC sa Tate. At aminin natin, nagkaroon dati ng Star Drama Theater Presents. .. Gabby," 'di ba? At bakit hindi siya naging Kapuso? Eh, 'yang bagay na 'yan, kayo na ang sumagot, okay? * * * JUICE ko, tinutukso namin itong 11-year-old na si Makisig Morales na sumali na rin sa magaganap na "Tuliang Bayan" sa eviction hall ng Pinoy Big Brother, hindi ba niya sasabayan ang Italian housemate na si Alex na magpapatuli? Naku, hindi makasagot si Makisig. Hanggang sa ibulong na niya sa amin na, "Kuya, nu'ng March 19 pa po ako tuli!" * * * SELLING like hotcakes ang mga ticket sa post-birthday concert ni Vice Ganda sa Metro Comedy Bar sa April 11, 9 p. m. 'Kalokah, ang daming tumatawag at nagte-text sa 0922-8398878 para magpa-reserve ng tickets. Riot sila nina John Lapus at Chokoleit sa isang bonggang production number kung saan magpapatalbugan din sila ng mga punchline. Hindi rin patatalbog si Toni Gonzaga, dahil may "talaktakan" din sila ni Vice at pinag-iisipan pa nito kung paano lalandiin sina Deejay Durano at Ronnie Liang sa stage. Ang Ganda Ko!. .. Joke! is presented by Renew Placenta in cooperation with Unisilver Time, Glutalife Glutathione and Kopi Roti. * * * 'WAG n'yong kalilimutang makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dzXL 558khz at maririnig din nang libre sa www. rmn. ph, 10:30 a. m. -12 noon. Puwede n'yo rin kaming i-text. I-type lang ang Ogie On at i-send sa 2366 at kung nasa abroad, 23661. Source: People's Tonight |