|
|
| Lalake na lumunok ng holen, pinantasya na siya si 'Darna'!![]() Author: Jojo Gabinete HINDI namin alam ang cellphone number ni Regine Tolentino kaya hindi namin makuha ang kanyang panig tungkol sa P8.3M estafa case na isinampa laban sa kanya ni Celso delos Angeles, Jr., ang chairman ng National Home Mortgage & Finance Corp. Kilala sa showbiz si Mr. Delos Angeles dahil siya ang producer ng Legacy Films. Kung hindi kami nagkakamali, dalawang pelikula ang kanyang ginawa noon na kapwa pinagbidahan ng dating sexy star na si Nina Lopez. May kinalaman ang estafa case sa mga alahas na binili ni Chairman Delos Angeles mula kay Regine at sa ina nito. Sa impormasyon na nakarating sa amin, nag-deposit ng P8.3M si Chairman Delos Angeles sa bank account ni Regine bilang kabayaran sa alahas pero hindi ito ibinigay sa kanya ng mag-ina. Diumano, litrato lamang ng mga alahas ang ipinakita nina Regine kay Chairman Delos Angeles at ni hindi niya nahawakan ang biniling items. Isang talent manager naman ang nagkuwento sa amin na nasilaw siya sa mga alahas na suot ni Regine nang makita niya ang Unang Hirit co-host sa isang showbiz event. �Yun na nga kaya ang mga alahas na binili ni Chairman Delos Angeles? At any rate, kahit nasa fiscal�s office na ang kaso, umaasa kami na malulutas ang problema ng magkabilang panig. Nakilala namin si Chairman Delos Angeles noong aktibo pa ito sa pagpu-produce ng mga pelikula. Madali siyang kausap, mahaba ang pasensya at higit sa lahat, may palabra de honor. Para magdemanda si Chairman Angeles, posibleng binalewala nga ng mag-ina ang mga demand letter na ipinadala ng kanyang legal counsel. Still, gusto pa rin naming marinig ang paliwanag ni Regine sa milyun-milyong halaga ng kaso na kanyang kinasasangkutan. *** Hindi namin nasusubaybayan ang Darna kaya clueless kami kung isinusubo pa rin ni Narda ang puting bato bago niya isigaw ang pangalan ng local Pinay superheroine. Nagkaroon kami ng interes na malaman kung nilulunok pa rin ni Narda ang puting bato dahil sa dalawang kaso na nangyari sa isang ospital. May kapatid na doktor ang entertainment editor na si Ces Evangelista. Nabanggit ng kapatid ni Ces na dalawang bata ang isinugod sa emergency room ng hospital na kanyang pinaglilingkuran dahil lumunok sila ng mga holen. Hindi na nakasigaw ng Darna ang mga biktima dahil nabulunan sila at mabilis na isinugod sa ospital. Pinainom sila ng gamot ng mga doktor para ilabas nila kaagad ang mga nilunok na holen. Ligtas na sa kapahamakan ang mga bata na gumaya sa eksena na napanood nila sa TV. Lalong naging interesting ang kuwento nang malaman namin na lalake ang gender ng isa sa dalawang bata na lumunok ng holen at nagpantasya na siya si Darna. *** Tumawag sa amin kahapon ang Seiko Films producer na si Robbie Tan para ipaalaala na May 18 pa rin ang playdate ng Bikini Open, ang pelikula na pinagbibidahan nina Diana Zubiri, Francine Prieto, Cherrie Pie Picache at Alfred Vargas. Sinagot ni Robbie ang isyu na nagtatampo si Cherrie Pie dahil wala ang litrato nito sa poster ng Bikini Open. Kasama raw talaga si Cherrie Pie sa unang lay-out pero hindi ito inaprubahan ng MTRCB. Nabasa namin ang script ng Bikini Open at talagang malaki ang partisipasyon ni Cherrie Pie sa pelikula. Posible rin na manalo siya ng award sa kanyang role. Ang Bikini Open ang unang sexy films na ipalalabas sa SM malls pagkatapos maghigpit ng management sa adult movies. Gustong patunayan ng Seiko Films na kayang-kaya nila na mag-produce ng sexy films na malinis at hindi mahalay ang pagkakagawa tulad ng Bikini Open na hindi nagkaroon ng problema sa management ng SM malls. *** Napuno ang aming inbox ng emails mula sa mga tagahanga ni Claudine Barretto na nagtatanong tungkol sa bagong drama series ng ABS-CBN na pagbibidahan nila nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Diether Ocampo. Hindi pa nag-uumpisa ang airing ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin pero may reklamo agad ang fans ni Claudine. Bakit daw inihihilera ang kanyang pangalan sa mga pangalan nina Bea at John Lloyd sa teaser na ipinakikita? Again, clueless kami sa reklamo ng fans ni Claudine pero na-amuse kami sa bansag sa kanilang idol na tinawag nila na Optimum Star. Most favorable conditions for growth etc. at best practical solution ang meaning ng optimum sa Current English Dictionary. *** Comments�are welcome at jojoga- binete @ yahoo. com. Source: Abante |