|
|
| Lalaking fan 'pinatikim' ng katarayan ni MarianAuthor: Joey Sarmiento Tapos na ang Holy Week at finish na rin ang bakasyon grande ng mga artista kaya ang lahat, back to work na. Pero ang Chinese friend namin na may napakala-king crush kay Marian Rivera ay mukhang nawala ang pagkagusto sa rumored girlfriend ni Dingdong Dantes. Tinarayan daw siya at tinaasan ng kilay ng dalaga. Narito ang kuwento ng aming Chinese friend na itago natin sa pangalang Edwin. "Bago mag-Holy Week ay nagko-coffee kami with friends sa isang building sa Morato. Tapos, nakita naming umakyat siEhra Madrigal. Nginitian na-min dahil kilala namin siya bilang artista kaya nag-hi naman siya sa amin. "A few minutes later ay dumating naman si Ma-rian. Siyempre, dahil crush ko siya at idol na rin,eh, nakatitig ako sa kanya pero nang tumingin siya sa amin ay galit 'yung mukha niya. "Tapos tumaas ang kanyang kilay na parang may binubulong sa kanyang sarili. Hanggang sa umakyat siya ng hagdan ay nakataas pa rin ang kanyang kilay na parang gusto kaming balikan kaya natakot kami. "From then on ay nawala na rin ang pagkagusto ko sa kanya," pagko-confess pa ng Chinese friend namin. Hay, naku! Siguro ay umandar na naman ang katarayan ni Marian na hindi na rin bago sa kanya. Pero teka. Sa building na inakyatan ni Marian, hindi ba nandu'n din ang restobar na pag-aari ng kanyang rumored boyfriend na si Dong at ng ex nitong si Karylle? Ano kaya ang ginawa ni Marian sa resto bar ni Karyle? Hmmm.... * * * Simula kahapon ay napanood na ang bagong season ng Daisy Siyete, ang "Kambalilong" episode na pinangungunahan ng Sex Bomb girls, kasama si Arnel Ignacio. Naka-prosthetics si Arnel sa serye na ito ng Daisy Siyete kaya ibang klaseng sak-ripisyo ang na-raranasan ni Arnel tuwing taping. May pagka-drama rin ang tema ng "Kambalilong" with the girls kaya sigurado, iyakan blues na naman ang drama ng mga Kapuso pagkatapos ng Eat Bulaga. Pero teka. True ba na si Jopay Paguia ang magiging bida this time at hindi na si Rochelle Pangilinan? Bakit kaya? * * * Naku, hindi kaya isumpa si Mocha Uson ng girlfriend ni Joross Gamboa kapag nalaman nito ang hot love scenes na ginawa ng dalawa sa kanilang movie na Sumpa? At baka lalo siyang i-sumpa ng GF ni Joross dahil aminado siyang matagal na niyang type ang young actor. "Sobrang type ko si Joross noon pa kaya I was so happy when I found out na siya ang kasama ko sa movie. Sa totoo lang, ine-enjoy ko siya," pilyang kuwento ng morenang singer. Ang pelikulang Sumpa ang biggest break para kay Mocha as a performer kaya naman ibinigay niya sa movie ang lahat, as in, all out. Sa movie na ito, ipina-kita niya na hindi siya tomboy at puwedeng-puwede siya sa guys. Palabas na ang Sumpa sa lahat ng mga sinehan sa April 22 at kasama rin sa movie sina Tracy Torres, Emil Sandoval, ang lahat ng Mocha Girls na sina Bambie, Bess and Grace gayundin ang premyadong actor na si Mark Gil. "Bukod sa nakakatakot, eh, sobrang sexy din ang movie, sumpa man," sabi nga ni Direk Bong Agustin. * * * For reactions, please e-mail mediatouch2000 @yahoo. com Source: Taliba |