Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Lani at Society of Seven, tsugi na sa Flamingo!

Lani at Society of Seven, tsugi na sa Flamingo! USAP-USAPAN ng ilan sa ating old-time favorite singers, hindi lamang dito sa ating Lupang Hinirang, kundi maging sa Las Vegas, ang pagkakatsugi o hindi na pagre-renew ng contract sa Flamingo Hotel, Las V...

 

Lani at Society of Seven, tsugi na sa Flamingo!

Author: Mercy Lejarde

Lani at Society of Seven, tsugi na sa Flamingo!

USAP-USAPAN ng ilan sa ating old-time favorite singers, hindi lamang dito sa ating Lupang Hinirang, kundi maging sa Las Vegas, ang pagkakatsugi o hindi na pagre-renew ng contract sa Flamingo Hotel, Las Vegas, ng Society of Seven with Lani Misalucha.

Five years din daw naging resident singers ng Flamingo ang nasabing grupo. At nito nga lang daw February, nakasama pa ng grupo si Martin Niviera.

Kumbaga, Society of Seven plus Lani plus Martin, equals nine. Kung may tinatawag na "Lucky 7," mas lalong may tinatawag na "Lucky 9," especially sa high rollers sa sugal.

Pero, mukhang hindi nga naging "Lucky 9" ang nangyari sa grupo dahil hindi na umano ni-renew ng management ng Flamingo Hotel ang kanilang kontrata as resident singers.

Tuloy, ang naging pabirong tanong daw ng ilang old-timers ay kung may "balat" daw ba sa puwet itong si Martin? Well, hayaan n'yo at 'pag natiyempuhan namin itech for an ambush interview, ito ang itatanong namin sa kanya.

Incidentally, nagbalikbayan ang isa sa ating old-time favorite singers na si Jun Polistico, na minsan ding naging SOS member.

Oy, in fairness, hindi si Jun ang source namin sa nasabing tsika, ha!

Yezzz, the "Frank Sinatra of the Philippines" is in town at meron siyang show sa Miyerkules, April 23, 8:30 p. m. , sa Captain's Bar ng Mandarin Hotel, Simply the Best From the Heart - One Night Only.

Special guests niya ang Pinay-Italian singer na si Abigail Amore Dorado at ang isa sa pinakamagaling na balladeers ng ating Lupang Hinirang, si Arthur Manuntag.

Mismong ang fast-rising balladeer na si Richard Poon ng ASAP '08 ay umaming humahanga siya sa ganda ng hagod at timbre ng boses nitong si Manuntag, in all fairness, tsuk!

Ang nasabing show ay produced ng aming kaibigang si Marieboy Gutierrez from KB Entertainment.

Kamamatay nga lang pala ng butihing ina nito na si Mommy Carmelita Gutierrez Gozum, na ngayon ay nakaburol sa Santuarium Funeral sa Araneta Ave. corner Quezon Avenue.

Sa Martes na ang libing ni Mommy Carmelita. Kaya, go ka na, Joey de Leon, and pay your last respects kay Mommy, dahil baka puntahan ka pa niya sa Eat Bulaga at bentahan ng mga furniture niya, joke!

Naging close kasi itong si Joey sa mommy ni Marieboy nu'ng hindi pa itech sikat, devah naman, Daria Ramirez?

* * *

NAKATAKDANG maglaro si Diether Ocampo this week sa Wheel of Fortune with Nina Dolino at Malaya ng Coolchx.

Itong si Malaya ay natsitsismis na anak din daw ni Gabby Concepcion, pero idinenay naman ng comebacking actor. Kahit daw ipa-DNA test pa silang dalawa.

Aber nga, panoorin natin this week ang WOF at tignan natin kung may hawig nga kay Gabby itong si Malaya?

* * *

ITO namang erpat ng PBBTE Plus housemate Kevin from Spain ay tipong may pagka-stage father, ha!

Aba, pinipilit ang anak na magpatuli, eh, ayaw nga ni Kevin magpatuli dahil ayaw daw nitech ng changes sa kanyang katawan, 'noh!

Mukhang dahil din sa erpat nitong si Kevin na John ang namesung, tipong scared dito ang tita ng aming favorite housemate from La Salle na si Josef.

Kaya naman muntik-muntikan na itong lumabas ng bahay ni Kuya, na ikinaiyak ni Josef dahil ang dami na raw niyang hirap na pinagdaanan para lang makapasok sa PBBTE Plus.

Hindi rin namin pinangarap na mawala sa PBB house itong si Josef simply for the reason na wala nang makakalaban ang mga Atenista na kinabibilangan ni Robi.

Kumbaga, may labang Ateneo vs. La Salle sa loob ng bahay ni Big Brother, tsuk!

Source: People's Tonight