|
|
| Lani, excited sa kasal ni Inah! Karen, inalis sa 'XXX'![]() Author: Alfie Lorenzo ANG Moms nina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes na nga ang pinakamatatag na show sa Q-11, ha! Aba, sila na lang ang natitira, at natsugi na nga ang mga kasabayan nilang show. Eh, mas lalo pa yatang magiging tambayan ng mga momsies ang Moms, ngayong may mga bago silang segment na tulad ng Winners na kumikilala sa mga taong nakatutulong sa kanilang kapwa, Starting Young na mga bida ang mga kid achiever, Aspire to Inspire na tungkol sa mga tao na bagama't may problema ay nagiging inspirasyon sa kanilang kapwa, In the News na tungkol sa mga kakaibang balita sa mga kababaihan sa buong mundo, Only in RP na tungkol sa mga exciting destination sa 'Pinas, at Just for Kids na bida ang mga paboritong pasyalan ng mga bata. Sabi nga pala ni Lani, busy siya ngayon sa pag-aasikaso sa kasal ng kanyang anak na si Inah Revilla. Na bagama't nabigla man siya sa pangyayari sa anak nila ni Sen. Bong Revilla, na maaga nga itong nabuntis, at magpapakasal na nga, wala na siyang magawa kundi suportahan ito. Oo nga naman, puwede ba naman niyang pabayaan si Ina, lalo na ngayong buntis ito? At bilang ina, mas mahalaga naman na matulungan mo ang anak mo sa kanyang mga pangangailangan, lalo na sa mga ganitong panahon. Kung titingnan mo nga si Lani ngayon, parang mas tumatatag siya, sa kabila ng mga problema at pagsubok na pinagdaraanan niya. “Iyakin pa rin ako, pero kailangan kong maging strong. Pagdating sa mga anak ko, kailangan kong maging matapang,” sabi ni Lani. Bongga si Lani, dahil sa edad niyang 40, hayun at magda-dalawa na agad ang apo niya, ha! Ang una nga ay kay Jolo, at ngayon ay kay Inah. Bukas naman ay may bagong pasasabugin ang XXX. At isa sa mga pasabog nila ay ang pagsali ni Pinky Webb, na maghahatid ng mas eksklusibo at mas eksplosibo pang mga expose. Makakasama na nga nina Henry Omaga-Diaz at Julius Babao si Pinky sa pagsiwalat ng mga anomalya at katiwalian sa lipunan. Si Pinky ang pumalit kay Karen Davila, na may bago raw hamong haharapin sa ibang Current Affairs program na dapat ding abangan. Si Pinky ay kilala ring madiskarte at palaban. Siya ang gumawa ng exclusive report kay Daniel Smith na naging bahagi ng International Emmy Awards nominated entry ng Bandila na Subic Rape Case Promulgation. Nandiyan pa ang Manila Peninsula Siege na kung saan ay lalo pa niyang pinatunayan ang kanyang tapang bilang isang reporter, na hindi man lang niya ininda ang nakaambang panganib ng pagbobomba ng tear gas sa kabila ng kanyang sakit na asthma, maihatid lamang ang balita sa mga manonood. “Malaking serbisyo publiko ang dulot ng 'XXX' sa pag-expose ng krimen, lalo na sa mga inosenteng taong nabibiktima. Magandang pagkakataon ito para sa akin, ang hindi lang makapag-report, kundi pati makatulong sa kababayan natin,” sabi ni Pinky. Source: Abante |