Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lani, naaawa kay Jennylyn

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

"Discernment" at "tamang desisyon" ang birthday wish ni Lani Mercado, na nagdaos ng 41st birthday noong April 13, kasama ang mga taga-Molino 2 ng Bacoor, Cavite.

Kinukumbinse siyang tumakbong kongresista sa distrito ng Bacoor at suportado siya ng kanyang pamilya, lalo na si Sen. Bong Revilla, na ang wish ay maging successful ang landas na tatahakin ni Lani sa pulitika.

Suportado rin ang pagpasok ni Lani sa pulitika ng liga ng mga barangay captain with 73 members.

Sa pag-iikot nito, naramdaman niyang mas mahal siya ng mga taga-Bacoor ngayon kesa noong una siyang tumakbo.

At present, siya ang co-chairman ng Solid Waste Management Board sa Bacoor at ang bayaw niyang si Bacoor Mayor Strike Revilla ang chairman.

Mag-i-enroll sana si Lani sa 11-week special class sa Ateneo ng Continuing Studies on Leadership & Management bilang paghahanda, pero na-late siya sa enrollment.

Bago tapusin ang interview, tinanong namin si Lani kung naniniwala siyang binigyan ni Sen. Bong ng bahay si Jennylyn Mercado?

"Hindi ko ini-entertain 'yan, naaawa nga ako kay Jennylyn dahil single mom siya at may isyu pang ganito. Naniniwala akong may kakayahan siyang bumili ng bahay. Two years ago pa ang Resiklo, ngayon lang lumabas ang isyung 'yan. "

Ibig sabihin, 'di siya naniniwala?

"No! Hindi ba may woman's intuition? Wala akong nararamdaman. Sa iba, alam ko, pero 'di si Jennylyn. Ayaw ko nang mag-elaborate," wika ni Lani.

* * *

SA April 22 na ang last taping day ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, ang nobela ni Direk Carlo J. Caparas, pero hanggang May pa ang airing nito.

Sikreto pa ang magiging ending ng soap na sobrang nagpahirap kina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sagana sa bugbog dito si Dingdong courtesy of Paolo Contis at biro ng actor, ito ang only one na gugustuhin niyang bumugbog sa kanya dahil kaibigan niya't best actor pa.

Sa soap din muling nakaranas ng malakas na sampal si Marian galing kay Carmi Martin. Ngayon lang uli siya nasampal ng ganu'n kalakas, pero nagso-sorry ito after siyang sampalin.

Samantala, kung si Marian ay may next project nang binabanggit after Ang Babaing..., si Dingdong ay wala pa.

Ayaw niyang magtanong dahil ayaw ma-disappoint at mas mabuti kung maghintay na lang siya para may element of surprise.

Ayaw ding magsalita ni Dingdong sa nababalitang big project niya sa August, hindi tuloy namin nalaman kung pelikula o TV ito.

* * *

Sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia ang mga bida sa Kambalilong episode ng Season 22 ng Daisy Siete, pero sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina ang mas pinag-uusapan.

Kaya hiningi namin ang reaction ni Jopay tungkol dito at kung 'di ba unfair sa ibang Sex Bomb na madawit ang pangalan sa kinasangkutang gulo ng dalawa?

"Kaya nila ang gulong 'yon and in fairness, 'di sila ang naghanap ng gulo, sila ang nilapitan. Pero next time, mas mag-ingat na sila dahil nadadawit ang grupo," wika ni Jopay.

Kaya nga siya, sa Bacolod pumunta noong Holy Week at 'di sumama sa Boracay para makaiwas sa maraming tao.

Nakapag-beach din siya at ipinagyabang ang tan. Hindi na sinabi ni Jopay kung sino ang kasama niyang nagbabad sa beach.

Sa April 20 ang pilot ng Kambalilong na tungkol sa kambal na may malaking ilong.

Two hours inaabot ang nose make-up kina Jopay at Sunshine, pero wala silang reklamo't masaya sa taping.

Kasama sa cast si Arnell Ignacio bilang ama ng kambal at narito rin sina JC Cuadrado, Jao Mapa, Tariq, Miko Aytona at Gladys Reyes bilang Madam L.

Source: People's Tonight