|
|
| Lara at BF, hiwalay naAuthor: Nel Alejandrino AMINADO si Precious Lara Quigaman na nakatulong ang kanyang stint bilang leading lady ni Aga Muhlach sa That's My Doc para mag-loosen up siya. Dati kasi, bukod sa may pagka-uptight, sobrang self-conscious pa si Lara. Tuloy, she gave the impression na 'di niya nakakalimutang siya'y isang international beauty queen. Lara was Miss International 2005. "I always feel relax working with the cast of That's My Doc," aniya. "They have become family to me. "Wednesdays (their taping day) nga have become some sort of a holiday to me," pag-amin pa ng dalaga. "May taping man kami o wala, I reserve that day for taping. " Because nga of the change in her work attitude, binigyan uli siya ng pagkakataong maging isa sa co-hosts ng Wowowee. She has become a good friend to Valerie Concepcion. Her two other co-hosts are Mariel Rodriguez and Pokwang. 'Di pa man sila magkasama ni Pokwang sa naturang noontime show, close na sila. Ito ay dahil magkasama sila sa That's My Doc. Lara calls Pokwang "Ate Pokey. " Bukod kina Aga, Lara at Pokwang, kasama rin sa That's My Doc sina Roderick Paulate, Nova Villa at Celine Lim. * * * BUKOD sa isang kapatid who lives with her, lahat ng kapamilya ni Lara ay nagtatrabaho abroad. Namatay na ang kanyang ama. Ang mommy naman niya ay nagtatrabaho bilang nurse sa Canada. Nasa United Kingdom ang isa niyang kapatid na babae at isang lalaki. Dati, nasa United Kingdom din si Lara. Umuwi lang siya dito for the beauty contest. May boyfriend din siya dati. But at the moment, hiwalay daw muna sila. Pero, aminado si Lara na mahal pa rin niya ang guy. Ganundin naman ang guy sa kanya. * * * HOW has life been with Donna Cruz since she married Yong Larrazabal, whom she met only on a blind date? Theirs was a whirlwind romance. Donna was only 21 that time. At 22, Donna became a mother to daughter, Belle, who has appeared with her in a number of commercials. Sinundan si Belle nina Cian at Gio, kaya, more than ever, feeling ni Donna she is complete. Donna now lives in Cebu with her family. Yong's clan own various businesses in Cebu, including a hospital. Yong is an opthalmologist. He personifies the man of Donna's dream. This is why, even if she had only known Yong for a while bago niya ito napangasawa, walang nadaramang pagsisisi si Donna. The singer-actress was at the height of her showbiz career when she quit showbiz. Pero, wala rin siyang pagsisisi na tinalikuran niya ito. Ang pagiging ina raw ni Donna ay isang klase ng compensation na 'di mabibili ng salapi. Source: People's Tonight |