Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lara tinalakan ang co-star sa pelikula

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

LATE nang nalaman ni Lara Morena na magkakaroon muna ng presscon ang Anak ng Kumander bago ang premiere night, kaya nagmamadali itong humabol sa Crowne Plaza sa Ortigas kamakailan.

Patapos na ang presscon nang lapitan at hingan namin siya ng reaction sa ginawang pagrereklamo ni Valerie Concepcion at ng manager nito sa torrid kissing scene kay Manny Pacquiao.

"Look, what age ba nang manganak siya? Tapos, 'yung kissing scene nila ni Manny, ginagawa nilang big deal? Bull____! 'Yan ang masasabi ko. "

Sa pagpasok ni Lara sa naturang controversial na halikan nina Manny at Valerie, hindi kami magtataka kung ang dalawa naman ngayon ang magsasagutan in print at on TV.

Sabi ni Lara, handa siyang harapin si Valerie at ang manager nito para ipamukha kung bakit kailangang gawing big deal ang naturang kissing scene with Manny, gayung hindi naman ito lumabas na masagwa.

Well, aabangan namin ang paghaharap ng dalawa, oras na magkita sila sa Parada ng mga Bituin ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

* * *

Walang pagdududa na papatok na naman sa takilya ang Enteng Kabisote 4 ni Vic Sotto.

Sa premiere night last Friday, hiyawan at tawa nang tawa ang mga bata, matanda at maging ang mga kasama sa cast habang pinapanood ang kabuuan ng movie sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Ipinakita sa EK4 ang mga nakaraang episode ng Enteng 1,2 & 3 at siguradong marami ang magugulat sa hitsura ni Vic noong nagsisimula pa lang ito sa EK.

Pambata ang pelikula, kaya tiyak na papatok sa takilya tulad ng tinamasang tagumpay ng parts 1, 2 & 3.

Sayang nga lang at hindi na namin nakausap si Oyo Sotto, na hindi dumalo sa nakaraang presscon ng EK4, pero katabi sa upuan nina Bossing Vic, Pia Guanio at Kristine Hermosa sa premiere night.

Sabi ng mother ni Kristine, na kasamang dumating ng actress with her younger sister, wala siyang masasabing masama sa binata nina Vic at Dina Bonnevie.

Nag-no comment ito nang tanungin kung totoong si Oyo na ang nasa puso ng anak.

* * *

ISANG napakasayang Pasko ang magaganap sa SOP ngayong Linggo dahil ilang showbiz families ang makiki-party complete with Christmas songs.

Ise-celebrate rin sa show ang birthday ng anak ni Jean Garcia na si Jennica at darating din ang pamilya ng hosts na sina Regine Velasquez, Jaya, Ogie Alcasid at Janno.

Source: People's Tonight