|
|
| Lea Salonga, kinasasabikan sa Thailand!![]() Author: Jojo Gabinete NAKARAMDAM ng pagmamalaki ang mga Pilipino na nakakita sa half-page ad ng Cinderella sa Bangkok Post, ang leading broadsheet sa Thailand. Pagmamalaki dahil ang international at Filipina actress na si Lea Salonga ang bida sa musical play na nakatakdang itanghal sa Muang Thai Rachadalai Theater mula December 16 hanggang December 21, 2008. Four thousand Baht ang pinakamahal at 1,000 Baht ang pinakamura na presyo ng tickets para sa show ni Lea. May chance na manalo ng Cinderella tiara na nagkakahalaga ng one million Baht ang mapalad na bibili ng ticket bago dumating ang November 17. Inaabangan ng Thai people ang pagtatanghal ng Cinderella dahil ito ang bihirang pagkakataon na makikita at mapapanood nila nang personal ang sikat na Filipina actress. Pamilyar ang Thai people kay Lea dahil alam nila na nanalo siya ng Tony award dahil sa kanyang mahusay na performance sa Miss Saigon. Parang hindi kami umalis ng Pilipinas sa ilang araw na pamamalagi namin sa Thailand dahil familiar faces sa mga billboard ang aming nakita. Kahit saang lugar kami magpunta, ang mga billboard ni Paula Taylor ang nakabalandra sa major streets ng Bangkok. Si Paula ang Thai model/actress na rumored current girlfriend ni Marc Nelson. Huli namin silang nakita na magkasama sa press launch ng Amazing Race Asia Season 3 sa Fiamma Bar. Interesado ang isang TV producer na kunin si Paula pero Singapore based ito kaya hindi siya puwedeng mamalagi sa Pilipinas. Nakilala nang husto si Paula nang sumali siya sa Season 2 ng Amazing Race Asia at dito sila nagkakilala ni Marc. Nagkalat din sa Bangkok ang mga billboard ni Akihiro Sato. Brazilian-Japanese si Akihiro at kabilang siya sa mga in-demand model sa Pilipinas. Ngayon ang second pictorial ng cast ng One Night Only ng Octoarts Films. Mahirap pagsama-samahin ang malaking cast ng One Night Only kaya mula sa pictorial, tutuloy silang lahat sa shooting para sa malaking eksena na kukunan ng direktor na si Joey Reyes. Ang One Night Only ang official entry ng Octoarts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. Mabilis magtrabaho si Joey kaya kahit mahirap pagsama-samahin ang mga artista ng One Night Only, ito ang filmfest entry na unang matatapos ang shooting. Sina Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi ang lead stars ng One Night Only. Maraming salamat sa aming kaibigan na si Freddie Garibay aka Agatha. Si Agatha ang nag-rekomenda na gamitin ang Ysabella Botanica Papaya Soap para mawala ang mga marka ng skin allergies. Ayon kay Roberto Nazal (CEO ng Ysabella Manufacturing and Trading Inc.), hand-made ang Ysabella Botanica Papaya Soap at gawa ito mula sa pure papaya at lavender extract kaya malaki ang naitutulong nito para kuminis at pumuti ang balat. Pamilyar ang pangalan ni Mr. Nazal dahil anak siya ng kilalang dermatologist na si Dra. Isabel Nazal. Source: Abante |