Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lea, hanga sa Taiwanese-American singer-actor

Author: People's Tonight

KUNG ang ate niyang si Lea Salonga ay gumawa ng pangalan sa international scene bilang isang mang-aawit sa Broadway, si Gerard Salonga nama'y unti-unti ring nakikilala abroad bilang isang conductor.

Gaya ng item ni Nitz Miralles sa Basta, si Gerard nga ang napiling mag-arrange ng ilang kanta ni Vanessa Paradis, common-law wife ng Hollywood actor na si Johnny Depp, para sa isang concert.

Bukod dito, siya rin ang magku-conduct ng 110-piece Hong Kong Philharmonic Orchestra sa Dec. 22-24 at makakasama sa naturang pagtatanghal ang Taiwanese-American singer-actor na si Lee Hom Wang.

Ayon kay Gerard, kilala si Lee sa Asya, dahil bukod sa magaling, guwapo pa ito. Katunayan, nakagawa na pala ito ng isang pelikula with Ang Lee.

Pati raw si Lea, hanga sa kaguwapuhan ni Lee at nag-dialogue pa ito na "if I wasn't married, papakilala ako sa kanya. "

Anyway, dahil unti-unting namamayagpag, inintriga si Gerard ng showbiz press at tinanong kung siya na ba ang next Ryan Cayabyab.

Ang sagot nito? "Well, if I can be half as good as he is, okay na ako. But he's a better composer. He (Mr. C) provided a great model for me to follow. "

* * *

SPEAKING of Christmas party, isa na yata ang ginanap na Christmas get-together ni Buhay partylist Cong. Irwin Tieng para sa mga kaibigan sa entertainment press sa pinakamasaya ngayong taon.

Maliit lang ang naturang gathering, wala ring masyadong maraming premyo sa raffle, unlike Dingdong Dantes' or the Calayans'.

Pero, sobrang saya at tawanan ang nangyari dahil bawat writer na nabubunot sa raffle, may kakaibang description bago tawagin ang name.

Game na game ang lahat, pati si Cong. Irwin, na nagba-blush pa tuwing tinutukso sa Star Patroller ng ABS-CBN na si Ginger Conejero.

Anyway, sa nasabing pagtitipon, ibinalita ni Cong. Irwin ang tungkol sa mga bagong bill na isinusulong niya sa Kongreso.

"Kailangang gumawa ng mas mabigat na batas na makasusugpo sa salot sa lansangan," aniya nang tanungin tungkol sa House Bill 4597 o ang "Anti-Drunk Driving Act. "

"Hihintayin pa ba nating mas marami pa ang mamatay dahil sa mga iresponsableng driver?" dugtong niya.

Ang House Bill 4597, co-authored nina Reps. Rene Velarde at Ma. Carissa Coscouela, ay naglalayong ituring na criminal act ang gawaing ito.

Mabibigat na multa at parusa ang kailangang ipataw sa mga mahuhuling lumalabag dito.

Sa naturang bill, ang screen tests ay gagawin sa drivers na: A) pinagsususpetsahang gumagamit ng illegal drugs at lasing dahil sa kakaibang driving patterns tulad ng overspeeding, swerving, weaving in traffic at/o lubos na lumalapit sa 'di gumagalaw na bagay; B) nakaaksidente; at C) Pinagsususpetsahang lasing at/o gumagamit ng pinagbabawal na gamot dahil sa amoy ng hininga, walang saysay na pagsasalita at/o inaantok.

"We cannot waste another life because of this oversight," turan pa ni Cong. Irwin. "Let's pray that this bill be passed. "

* * *

WALA silang samaan ng loob ni Dra. Vicki Belo. Ito ang mariing nilinaw ni Ai-Ai de las Alas nang gulatin ang showbiz writers sa pagdalo sa Christmas party nina Dr. Manny at Pie Calayan kamakailan.

Dating kliyente ni Dra. Vicki si Ai-Ai, pero ngayon, pare-pareho na sila ng manager na si Boy Abunda na nasa kuwadra ng Calayan Surgicentre.

Gusto lang daw niyang mag-try ng ibang pampaganda para maiba, dagdag pa ng bida ng Star Cinema MMFF entry na Ang Tanging Ina N'yong Lahat.

Sa susunod na taon naka-schedule ang big launch ni Ai-Ai bilang Calayan beauty.

Source: People's Tonight