Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lead role ng Stairway to Heaven kay Dingdong ibibigay?

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

HINDI pa rin makumpirma ni Perry Lansigan kung ang alaga niyang si Dingdong Dantes ang gaganap sa lead role ng hit na Stairway to Heaven.

Ito kasi ang malakas na bulung-bulungang next soap opera na gagawin ng guwapong aktor sa GMA-7.

"May narinig na ako noon, pero wala pa namang formal offer sa ngayon. Hindi ko pa talaga alam as of now," say ni Perry.

Ang Stairway to Heaven ay super-hit sa Korea noong umere ito noong 2003 at nagtagal ng isang taon.

Pinagbidahan ito ng guwapong Korean superstar na si Kwon Sang Woo, bilang si Cholo.

At sinasabi ngang ang local version ni Cholo ay gagampanan this year ni Dingdong.
Sabagay, nakuha naman ng Kapuso ang rights nito dahil naipa-labas na rin ang orig version (dubbed in Filipino) noong 2005.

Kung si Dong man ang leading man, palaisipan pa kung sino ang magiging leading lady nito.

That is, kung matutuloy na sa kanya mapunta ang proyekto.

And why not nga, 'di ba?

* * *

AYAW talagang patalbog at paawat ni BB Gandanghari.

Hindi lang siya "magandang hari" ngayon, kundi isa na ring pinakamagandang "reyna" sa isang gay santacruzan!

Yes, nag-Reyna Emperatriz si BB Gandanghari sa traditional na santacruzan ng mga bading sa Malabon City kahapon ng gabi.

Kumpirmadong rumampa si BB bilang sagala sa decade-old nang "Bulaklakan Ng Mga Talyada" na handog ng Ma-labon Buklod-Puso Gay Association, Inc, in cooperation with Malabon City Mayor Tito Oreta at Malabon Tourism Office.

Ayon sa spokesperson ng core group ng nasabing gay association na si Percival Chan, naging madali ang pag-iimbita nila kay BB para ma-ging Reyna Emperatriz nang dahil sa tulong ni Ernie dela Cruz, daddy ni Angelika dela Cruz, na isa ring taga-Malabon.

Bukod kina Chan at Dela Cruz, ang dalawa pa sa core group ay sina Ferdinand Morales at Eric San Juan.

"Hindi kami nahirapan sa pagkuha kay BB, mabait siya at madali si-yang kausap. Pinunta-han namin siya sa kanyang condo sa Makati and tuwang-tuwa siya sa invitation namin. Dala na rin namin ang aming downpayment bilang honorarium ng participation niya sa Bulaklakan Ng Mga Talyada," say ni Chan.

Super-excited nga raw si BB dahil for the first time ay gagawin niya ang pagsagala na feeling girl na girl -- kahit pambading ang santacruzan -- at hindi lang basta sagala, kundi pang-finale ang beauty niya dahil siya nga ang Reyna Emperatriz, na mas mataas pa sa Reyna Elena.

* * *

Nagsimula ang Santacruzan proper sa Malabon City Hall Plaza sa Bgy. San Agustin (na bara-ngay din namin) patu-ngong Bgy. Hulong Duhat.

Isang bonggacious na float sumakay si BB at ayaw niyang nakaupo, kundi nakatayo sa karosa "para kitang-kita ang ganda ng katawan niya," kuwento pa ni Chan.

"Gusto rin niya, maliwanag ang ilaw ng karosa para kitang-kita rin ang ganda niya!" dagdag pa ng organizer.

Gawa ang gown ni BB ni Dennis Martin, tubong-Malabon din, na unti-un-ting gumagawa ng sarili nitong pangalan sa fashion industry.

Sinasabing ang "Bulaklakan ng mga Talyada" ng Malabon City ay isa sa pioneer, kundi man ang kauna-unahang si-yudad sa buong Pilipinas kung saan nagsimula ang gay santacruzan, na nagsimula pa raw noong panahon ng mga Hapon.

"Noong Japanese era daw, ayon sa mga ninuno natin sa Malabon, para raw hindi mahuli ng mga Hapon ang mga bading, nagsasagala sila, nagbibihis-babae na magandang-maganda," paliwanag ni Chan.

Source: Taliba