|
|
| Lian, minamadaling 'anakan' ni Paolo?![]() Author: Rey Pumaloy PATULOY sa kanyang treatment si Lian Paz, ang girlfriend ni Paolo Contis. At kuwento ni Paolo, sa awa ng Diyos, baka raw madaan sa pag-inom ng gamot, at hindi na kailangan pang operahan si Lian. “Kailangan lang niyang mag-rest at mag-relax para magtuluy-tuloy ang paggaling,” sabi pa ni Paolo. Ngayon pa lang, sinisigurado ni Paolo na may kakayahan pa rin si Lian na magka-baby, kung sakaling mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon. “Oo naman! Puwede siyang magkaanak. Hindi apektado ang reproductive organ niya. Meron lang tayong tinatawag na timetable. Medyo mahihirapan lang siya pagdating niya ng 30's,” saad ni Paolo. Sabi ni Paolo, handa siya sa kung ano man ang puwedeng mangyari sa hinaharap. “Kung ibibigay naman ng Diyos na magka-baby kami balang araw, ibibigay 'yon ni God.” 'Yun ba ang dahilan kung bakit tila minamadali na ni Paolo si Lian na magka-baby ngayon pa lang? “Walang ganun. Pero, pinag-uusapan namin 'yon. Wala pa kaming sini-set na time. Seryoso naming pinag-uusapan `yon, pero ayaw lang naming ibulatlat pa ang mga detalye.” Hindi itinanggi ni Paolo na inalok na niya ng kasal si Lian. “Matagal na 'yon!” At ayon kay Paolo, date na lang ang kulang para kanilang kasal. “Yeah, I guess, date na lang. Pero hindi naman kailangang na porke meron na ngang singsing, mamadaliin natin. Kailangan pa ring planuhin talaga!” sabi niya. Siyanga pala, bilib na bilib naman si Paolo sa ugali ng boxing champ na si Manny Pacquiao. “Ang sarap niyang kasama. Magaan siyang katrabaho. Hindi siya mahirap pakisamahan. Actually, madalas kaming magkita at lumabas kapag nandito siya sa Manila. “Hindi siya tamad. Excited siya laging magtrabaho. Tuwang-tuwa siya kapag may naiisip siyang punch-line. Nagtatanong din siya kung paano ang gagawing hirit para mas maging nakakatawa. Kahit mataas na ang naabot niya, hindi siya pikon. “Si Manny, wala siyang kapareha. Makikita mo siya na natatawa siya sa mga pinaggagawa niya. Marami pa siyang puwedeng matutunan, at willing naman siyang matuto,” papuri pa ni Paolo sa bida ng Show Me Da Manny ng GMA 7. Source: Abante |