|
|
| Lolit Solis humingi ng tawad kina Piolo, SamColumn: Daily Insider ALL is well between Piolo Pascual, Sam Milby and Lolit Solis. Nagkita-kita for the last time sina PJ, Sam and Lolit Wednesday night sa sala ni Judge Jose Mendoza ng branch 55 sa Manila RTC. Isinumite ni Lolit ang retraction niya sa kanyang naisulat which states in full: "There is no factual basis for my article which came out on October 12 2007. I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. Sam, Piolo, I am sorry for the hurt and embarrassment I caused. " This is about the write-up she wrote na nakita niya raw ang dalawa na magkasama sa coffee shop ng Sofitel. As part of the undertaking, Lolit also promised that there will be no more talking about Sam or PJ or this incident. After Lolit's retraction, sina PJ and Sam naman signed an affidavit of desistance together with their lawyer Atty. Joji Alonzo. This is one news na eve-rybody happy. * * * HARDEST and best movie so far ni Sharon Cuneta ang Caregiver. Napakaraming milestones this year that coincide with the showing of Star Ci-nema's Caregiver this May 28 nationwide na ipapalabas din worldwide. Una nga, it's Star Cinema's 15th year in the bu-siness. Then it's Sharon's 30th years as an actress. Aba this year din pala is Mega's 20th year in Philippine television. Idagdag pa natin na dahil kuwento ito ng isang ina, post Mother's Day na rin. Inamin ni Sharon na ito na ang pinakamahirap na pelikulang nagawa niya in her thirty years in showbiz. Dito niya narasanan ang lahat na hindi niya pa nagawa noon sa ibang pelikula. Ito rin ang unang pagsasama nila ni Direk Chito Roño na binago rin daw ang acting niya. Kaya nga sabay ng pagsabi niya that this is the hardest, proud to say din siya that this is her best movie for far. Si John Estrada ang ka-partner ni Mega sa Caregiver. * * * SUMUNOD lang sina Toni and Cathy Gonzaga sa mommy nila sa Faces and Curves. Nagulat kami nang naimbitahan kami - at hindi nakarating he he he - sa launching ng magkapatid na Gonzaga bilang bagong endorsers ng Faces and Curves that offers cosmetic, plastic and reconstructive surgery na nasa Victoria Plaza sa Annapolis, Greenhills. Natatandaan namin, about a year ago lang, na- invite din kami nang maging endorsers silang magkapatid for another clinic. Thinking it is one and the same, sinagot kami ng radio dancing queen na si Wendell Alvarez na magkaiba raw ito. Noon pa man daw kasi na nasa kabilang clinic sina Toni and Cathy, ang mommy nila ay Faces and Curves na. Kaya nga hindi na sila nag-renew for their first endorsement, it's but logical na sundan na rin nila ang kanilang ina sa Faces and Curves. * * * MAY isang umalis, may isang bagong pasok sa PBB Teen Edition Plus. Last Monday morning, nagdesisyong lumabas na ang pinakasikat na bahay sa bansa si House Player ng Bayan Shy dahil sa iba't ibang rason na pinaigting pa ng naranasang hirap sa military training na dala nina Captain Bernabe. Matapos ngang mahirapan sa military training ay pumunta sa confession room itong si Shy upang ipaabot kay Kuya ang kanyang intensyong lu-mabas. Tuesday, pumasok na man ang kapalit ni Shy na si House Player Mikan upang samahan ang naiwang si Andi sa pagtupad ng tasks alinsunod sa mga taong-bayan. Anyways, bukas pa rin ang botohan para sa automatically nominated na mga teen housemates just text BB space PRISCILA, BB space BEAUTY, o BB space NIKKI and sa 231 sa Smart at Talk & Text at 2331 sa Globe, TM, Sun, at Bayan subscribers. Source: Taliba |