|
|
| Lolit Solis unleashes shocking rumors about Angel LocsinAuthor: Roldan Castro
Although hindi naman niya kinumpirmang totoo ang mga bali-balita tungkol kay Angel, nabanggit ni Manay Lolit na may balitang nagpa-abort diumano ang young actress. Nabuntis daw si Angel ng ex-boyfriend niya noon, ang yumaong young actor na si Miko Sotto, na pinsan ng isa pang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Sotto. Foursome daw kasi na nagdi-date noon sina Angel at Miko at si Valerie Concepcion at ang boyfriend nito na pinsan ni Miko at ama ng kanyang anak. Ito raw ang lihim ni Angel na kinakatakutan niyang mabunyag kaya sunud-sunuran diumano ito sa kanyang manager. "Kung ano [ang] ginagawa ni Valerie at nung pinsan ni Miko, 'yon din siguro ginagawa nina Miko at Angel. That time daw, ano talaga, nagpa-abort si Angel," sabi ni Manay Lolit. Ayon pa kay Manay Lolit, may balita ring ang ina ni Angel ay dating katulong na nabuntis ng ama nitong si Mr. Angel Colmenares. Bagama't very visible ang ama ni Angel ay walang nababalita tungkol sa kanyang ina at hindi ito nakikita ng publiko. "Di ba, usually pag ganitong pagkakataon, pag may problema ang anak, ang lumalabas nanay? Bakit, 'asan ba 'yung nanay ni Angel? Lalo na pag lumabas yung isyu tungkol sa pagkaka-abort, kailangan 'yung nanay, di ba? Pero nagkahiwalay daw [ang parents ni Angel] kaya si Angel yata lumaki sa tatay, kaya hindi close sa nanay," pahayag ni Manay Lolit. Balitang may sex video rin ang young actress with a Japanese guy. Bukod dito ay marami pang pinasabog na intriga ang controversial co-host ng Startalk. BECKY'S ANSWERS. Bagama't nasa London ngayon ang manager ni Angel na si Becky Aguila kasama ang young actress, sinagot ni Becky ang mga inilabas na isyu ni Manay Lolit thru text message. Una, ang isyung nagpa-abort diumano si Angel.
"Not true. Ilabas nila ang video," pagtatanggol ng manager ni Angel. Fourth, kaya raw magnenegosyo si Angel ay dahil ang financier niya ay anak ni Lucio Tan na nagngangalang Joel Tan, na boyfriend diumano ng young actress. "No, not true. Hindi kilala ni Angel ang anak ni Lucio Tan. Pasensiya na't nadamay pa sila. Group of young entrepreneurs partners ni Angel," paliwanag ni Becky.
"Angel is currently enrolled in London College of Fashion and will send photos for everyone," sagot ng manager ng young actress.
Early this week ay kinumpirma ni Becky ang matagal nang usap-usapan tungkol sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Source: Philippine Entertainment Portal |