Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lolit, inggit sa TF ni Heart!

Author: Jojo Gabinete

NABASA ni Lolit Solis sa presscon ng PLDT.myDSL noong Huwebes ang kopya ng sulat ni Atty. Dick Perez (VP for Legal Affairs ng GMA 7) para kay Heart Evangelista at ang sagot ni Atty. Agnes Maranan, ang legal counsel ni Annabelle Rama.

Si Annabelle ang manager ni Heart at sa pamamagitan ng kanyang abogado, sinagot nila ang reminder letter ng GMA 7 tungkol sa pagtanggi ni Heart na tanggapin ang Muling Buksan Ang Puso, ang Sine Novela na pagbibidahan sana ng aktres.

Pagkatapos basahin ang reminder letter, hindi napigilan ni Lolit ang humanga kay Annabelle dahil sa kontrata na nakuha nito para kay Heart.

Nakalagay sa sulat ng GMA 7 na fifteen million pesos (Php15M) ang halaga ng guaranteed contract ni Heart sa unang taon niya bilang exclusive talent ng Kapuso network (4.2. In case of breach by TALENT of any provision of this Agreement or of any of Talent's warranties and representations, GMA may in addition to and without prejudice to any other remedy, recover li- quidated damages from TALENT in the amount equivalent to TALENT's Minimum Guarantee for the first year (Php15M) of this Agreement).

Malaking halaga ang Php15M kaya nakapagsalita si Lolit na hihingi na siya ng pointers mula kay Annabelle para mabigyan din niya ng multi-million peso contract ang kanyang mga alaga.

Paghanga rin kay Mrs. Rose Flaminiano ang naramdaman ni Lolit nang mabasa nito noon ang kontrata ni Gabby Concepcion sa ABS-CBN.

Bumilib si Lolit kay Mommy Rose dahil mil- yun-milyon din ang halaga ng kontrata ni Gabby sa ABS-CBN, kahit kababalik pa lamang ng aktor mula sa Amerika noong March 2008.

“Ngayon ko na-realize na wala akong kuwentang manager. Tuwing may mga kumukuha sa mga alaga ko at tinatawaran ang kanilang mga talent fee, pumapayag ako dahil ang akala ko, may recession din sa showbiz.

Wala pala dahil malaki ang ta- lent fee ni Heart.

“Kailangan ko na talagang mag-training kay Annabelle dahil isa talaga siya sa mga mahuhusay na talent manager sa showbiz.

“Naisip ko rin na dahil sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang prime property ng GMA 7, siguradong mas malaki ang talent fee nila kesa kay Heart!” ani Lolit.

Source: Abante