|
|
| Lorna, 'Di pa pinatatawad si Osang!Author: Jojo Gabinete STRONG�support ang tawag ni Lorna Tolentino sa role niya sa Mano Po 5 (Gua Ay Di) pero para sa direktor na si Joel Lamangan, si Lorna ang nagdala ng pelikula. Kung si Lorna ang masusunod, gusto niya na i-nominate siya sa best supporting actress category. Maraming beses nang nanalo si Lorna ng best actress trophy, pero wala pa siya kahit isang best supporting actress trophy. Pakialamerang nanay nina Angel Locsin, Ketchup Eusebio at AJ Dee ang role ni Lorna sa Mano Po 5. Nag-aral siya ng Fookien language at ayon kay Lorna, sumasakit ang ulo niya pagkatapos ng take dahil mahirap i-memorize ang kanyang Fookien lines. Sa nabanggit na presscon, muling tinanong si Lorna tungkol sa isyu sa kanila ni Rosanna Roces. Napatawad na ba raw niya si Rosanna? Simple pero meaningful ang sagot ni LT. Bakit niya patatawarin ang isang tao na hindi naman humihingi ng tawad. Para kay LT, ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi raw siya nagtatanim ng galit sa kanyang kapwa. *** May cameo role sa Enteng Kabisote 3 ang dating senador na si Tito Sotto. Ang special appearance ni Tito sa MMFF entry ng kanyang kapatid na si Vic Sotto ang kumpirmasyon na muli siyang kakandidato bilang senador sa 2007 election. Hindi lamang sa Enteng Kabisote 3 napapanood si Tito dahil regular na rin ang appearance niya sa Eat Bulaga. *** Dahil kay Borgy Manotoc, nagkaroon ng isyu na sasagutin ang mga artista na may pelikula na kasali sa 2006 Metro Manila Film Festival. Sa presscon ng Super Noypi, sinagot ni Polo Ravales ang sinabi ni Borgy na isa sa mga worst billboard ang kanyang billboard. Hindi naapektuhan si Polo sa pahayag ni Borgy dahil marami ang pumupuri sa kanyang malaking billboard na araw-araw na nakikita ng commuters sa Edsa, Makati City. Sa next presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah, asahan natin na tatanungin din si Pops Fernandez ng entertainment press tungkol sa Borgy controversy dahil ang pangalan niya ang isinagot ng model sa tanong kung sino sa mga local celebrity ang nagparetoke ng mukha at katawan. *** Si John Lapuz as Bragudo Bangudngod ang guest bukas sa Bahay Mo Ba �To. Ilang buwan nang hindi nakakabayad si Harold (Keempee de Leon) ng monthly rental niya sa kanyang coffee shop. Galit na ang landlady ni Harold kaya naisip nito na hingin ang tulong ni Bragudo. Nagpanggap na lalake si Bragudo. Kinuha niya ang serbisyo nina Ten-Ten at Two-Two para takutin si Harold at sabihin na patatayuan niya ng gym ang coffee shop. Naawa ang dalawa kay Harold kaya ipinagtapat nila na hindi rin tunay na lalake si Bragudo. *** Kung nagdadalamhati si Rita Avila at ang kanyang TV director husband na si Erick Reyes sa pagkamatay ng kanilang month-old baby, palaisipan naman ang status ng pagbubuntis ni Lara Morena. Sa Startalk, "no comment" at "only God knows" ang naging paulit-ulit na sagot ni Tonio (Viva Hotmen member at boyfriend ni Lara) nang itanong ni Butch Francisco kung totoo na buntis si Lara. The following day, Sunday, guest sa The Buzz si Tonio at hindi na si God ang tanging nakakaalam tungkol sa tunay na sitwasyon ni Lara dahil kinumpirma ng aspiring bold actor na two months pregnant ang girlfriend na nagsampa laban sa kanya ng kaso ng pambubugbog. Mabilis ang sagot ni Lara na nag-guest naman sa S-Files na kulang man sa luha, umiiyak na inamin na totoong nagbuntis siya pero iba ang kanyang version. Ayon kay Lara, dalawang beses (hindi dalawang buwan na buntis) na nalaglag ang kanyang ipinagbubuntis dahil sinuntok siya ni Tonio sa tiyan. Inakusahan pa ni Lara ang kanyang boyfriend nang paggamit ng marijuana at matapang niyang sinabi na sasailalim siya sa drug test para patunayan na hindi totoo ang bintang ni Tonio na gumagamit siya ng prohibited drugs. Isang katanungan ang gusto naming masagot. Kung kinumpirma ni Tonio na buntis si Lara, nasaan ang sanggol? Nalaglag nga ba ito tulad ng claim ni Lara? *** Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |