|
|
| Lorna T. pinaglaruan ni Rudy![]() Author: Lolit Solis Umalis kahapon sina Lorna Tolentino at Senator Jinggoy Estrada. Lumipad sila patungong Isinama ni LT ang kanyang anak na si Raphe. First time ni Raphe na makakapunta sa Bago umalis kahapon si LT, natanggap niya ang good news na pumasa ang kanyang application para sa O1 Extraordinary Ability Visa. Ang feeling ko, pinaglaruan ni Rudy Fernandez ang kanyang misis dahil siya ang nagsabi Ang ending, nakapasa nga si LT at lumabas ang resulta noong June 24 na wedding anniversary nila ni Daboy. Si Atty. Nettles ang immigration lawyer na may hawak ng application ni LT at nang mag-early dinner kami Kung kailan namatay si Rudy at nakalimutan ko na ang Extraordinary ability atsutsutsu application ni LT saka tumawag sa akin si Papa Ricky Lo para i-share ang good news. Gustong tawagan ni Atty. Nettles sa telepono si LT pero inabot siya ng hiya. Alam niya na nagluluksa pa si LT kaya hindi alam ni Atty. Nettles kung paano sasabihin ang good news kaya si Papa Ricky ang kanyang tinawagan. Kung hindi ako nagkakamali, three years ago pa ang application ni LT at awa ng Diyos, hindi nasayang ang kanyang paghihintay. * * * Sa July 14 ang umpisa ng Codename: Asero ni Richard Gutierrez pero wala siya sa Pilipinas dahil pupunta sila ni KC Concepcion sa Lilipad sa Greece sa July 14 sina KC at Richard. Kinikilig na ang kanilang mga fans dahil lalo raw magkakalapit ang dalawa sa ibang bansa. Marami ang boto sa loveteam nina KC at Richard. Gusto nga nila na for real at hindi lamang for reel ang loveteam ng kanilang mga iniidolong artista. Hindi natin masisisi na mangarap nang gising ang mga fans nina KC at Richard dahil talagang bagay na bagay sila. * * * Natutuwa ako dahil magkasundo na ang mag-amang Mat at Krista Ranillo, kahit marami ang nagsasabi na gimik lamang ang kanilang tampuhan para mapag-usapan ang pelikula ni Krista. Hindi naman siguro papayag si Mat na magpagamit. Di ba't hinamon pa nga niya ng suntukan ang manager ng kanyang anak? May nagsabi sa akin na nag-over react lang si Mat dahil kung napanood niya ang pelikula ni Krista, hindi true ang mga tsismis na bold na bold ang mga eksena ng kanyang anak. * * * Nag-i-emote si Reyan Jose Acurantes ng Petrofac, UAE sa email na ipinadala niya sa akin. Read ninyo ang kanyang sentimyento de asukal: Nay Lolit, baka naman puwede po na masabihan ninyo ang GMA Pinoy TV dahil dalawang araw nang magkasunod na nasisira ang reception nila sa gabi kapag oras na ng Joaquin Bordado at Dyesebel. Tapos, magiging maayos na kapag Babangon Ako't Duddurugin Kita na ang palabas. Di kaya sinasabotahe na rin ang mga ipinalalabas dito? Di ko po matandaan kung nakapagpasalamat ba ako noong sumulat ako sa 'yo about sa Ang Joke Ko segment ng Eat Bulaga. Naayos na po at regular na naming napapanood yun gabi-gabi kaya salamat po. Nay Lolit, maganda ka noong sumalang ka sa lie detector test ha at pinanindigan mo talaga ang pagsabi mo ng lie. Paborito namin ng kuya ko na basahin ang column n'yo sa PSN kaya baka puwde lang po na pakibati naman kami sa birthday naming dalawa sa July 16 (ako) at siya sa July 17. Kuripot kasi ang nanay namin kaya pinilit niya na pagsabayin ang birthday namin. Hehehe. Ang pangalan po niya eh Ronaldo Lazaro Acurantes. Salamat po ulit. More power po and God bless you and your family! Paki-kiss na lang po ako uli kay Idol Joey de Leon. Yeeeheeee! O ayan ha, buong-buo ang sulat ni Reyan na gusto kong i-greet ng advanced happy birthday sa July 16, pati na ang kanyang kapatid na si Ronaldo na magdiriwang naman ng kaarawan sa July 17. Source: The Philippine Star |