|
|
| Lorna Tolentino, titira nga ba sa museleo ni Daboy?![]() Author: Julie Bonifacio Puno ng ngiti at wala nang luha na humarap si Lorna Tolentino sa press launch ng pinakabago niyang album para sa yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez mula sa Star Records, ang H.O.P.E Volume 2 titled Wings of the Soul. Tulad ng naunang album ni Lorna sa Star Records, prinodyus ito ni Pinky Tobiano at ni-line produce naman ng Star Records sa tulong ni Phillip Cu-Unjieng. Ang batikang manunulat at cancer survivor na si Bibeth Orteza ang sumulat ng prologue at epilogue ni Lorna sa album. Mapupunta naman ag kikitain ng album sa The Pinky Cares Foundation and The Rudy Fernandez Cancer Foundation Inc. Sa press launch, tinanong si Lorna kung umaasa rin ba siya na mabibigyan ng special award mula kay President Gloria Arroyo si Rudy tulad ng iginawad sa yumaong si Francis Magalona. Naging malaki rin ang kontrobusyon ni Rudy sa industrya sa napakaraming pelikula na nagawa nya at bilang president ng Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) ng ilang taon. "May ibinigay sa akin si Senator Bong Revilla noong birthday niya last year na parang mayroon silang resolution na pinasa for Rudy at that time. So, nasa akin 'yun. Kung regarding naman sa Malacañang, I think, depende kung gusto nila, maraming salamat. And oo naman. Marami naman siyang magaganda at matitinong pelikula. I think, 120-plus movies ang nagawa ni Rudy at yung pagiging presidente ng Actor's Guild for six years, three terms I think. Isang malaking achievement 'yun kasi at that time, talagang masasabi ko na nandoon ang unity ng lahat ng artista noong panahong si Rudy ang naging presidente ng Actors Guild." Next month magiging busy naman si Lorna sa pagharap ng naantala niyang acting career. May balita na malapit na niyang umpisahan ang bagong teleserye niya sa ABS-CBN. "Baka third week of April or fourth week. Hindi ko pa alam 'yung eksaktong project. Ipri-present pa lang nila sa akin after Holy Week." Pero kumpirmado na raw na sina Gabby Concepcion at John Estrada ang makakasama ni Lorna sa pagbabalik teleserye niya sa ABS-CBN. May tsika na nainip na nga raw si Gabby dahil matagal-tagal din siyang natengga pagkatapos ng una niyang teleserye na Iisa Pa Lamang. "Hindi ko kasalanan, ha. Kasalanan nila kasi nga I think 'yung prinesent kay Ate Charo (Santos-Concio) may mga binago. So, kapag binago mo syempre uumpisahan mo ulit doon sa umpisa para ayusin mo. I heard 'yung line of work ang binago. 'Yung line of work ko doon sa story. So, siyempre iibahin mo na lahat 'yun. Maga-adjust sa story. Kapag binago mo, kunyari doctor ka tapos ginawa mo na teacher maiiba 'di ba?" Wala naman daw restrictions si Lorna pagdating sa pag-arte kahit pa may mga kissing scenes ay willing siyang gawin. "Sa ngayon, oo. As an actress 'yon. Wala namang masama as an actress. Actually naman maski nu'ng kay Rudy basta't kailangan ginagawa ko naman. With Kay Tagal (Kang Hinintay), mayroon ako with John." Samantala, bago gawin ni Lorna ang teleserye, magti-taping muna siya ng isang episode para sa Maalaala Mo Kaya. Isang family oriented story muli ang gagawin ni Lorna para sa show. "'Yung istorya niya tungkol sa pamilya. Pamilya rin. Isa 'yung asawa niya naloko ng recruiter naging addict. 'Yung panganay niyang anak naging drug addict din. Medyo heavy, heavy drama." Ayon sa manager ni Lorna na si Manay Lolit Solis, gusting-gusto na raw talaga niyang magtrabaho. Is this true? "Oo, 'tsaka malapit na ring matapos ang museleo ni Rudy. Doon lang naman ako na-busy ng husto. Timing din naman. Talaga siguro kung anuman 'yung itinagal ng proyekto na teleserye nakatulong naman para matapos ko 'yung talagang dapat ko'ng gawin." Umamin din si LT na namimiss niya ang hosting at natuwa siya sa guest appearance niya sa Ruffa and Ai kalian lang. "Nu'ng mag-guest nga ako sa Ruffa and Ai sabi ko, ang ganda naman ng raket nitong dalawang 'to sa loob-loob ko. Simpleng- simple. Bakit hindi ako nabigyan ng ganito? Sana magkaroon sila ng idea kaming magpi-pinsan, si ZsaZsa Padilla, si Amy Perez at ako. The CowSins," lahad ni Lorna sabay tawa. Sa usapang matters of the heart, naitanong kay Lorna kung ano ang gagawin niya kung may manligaw sa kanyang Muslim tulad ng kay Alma Moreno. "Hindi, okay lang sa akin kahit na anumang relihiyon. Wala namang masama doon. Pero hindi pa ako handa. Masaya pa ako na ganito." May nagsabi rin na okay lang sa anak ni Rudy na si Mark Anthony Fernandez na mag-asawa ang kanyang inang si Alma pero hindi pa pwede si Lorna. "Oo nga raw at magkakaroon nga raw ng one hell of a ride. Hahaha! Natuwa ako. Hahaha! Sabi ko kasi kung talagang may magmamahal sa akin kahit harangan man ng sibat 'yan kung mahal ka talaga gagawin 'yun. Dadaanan niya ang lahat. So, good luck. Sana nga mayroong lalaking ganyan. Eh, baka nag-iisip pa lang, 'Ay, hindi na bale." Nabanggit na lang rin ang pagpapagawa niya sa museleo ni Daboy, totoo ba na pinagigiba niya ang bahay nila ni Rudy sa White Plains? "Hindi," sagot ni LT. "Sabi nga sa akin ni Rudy, hindi maganda 'yon kasi nga sayang. Kasi pwede mo namang paupahan at tumira ka sa isang bahay na gusto mo talaga. Actually, before umiikot-ikot na kami sa White Plans. Naghahanap na kami ng lupa, White Plains pa rin. Pero pwede na ring hindi. Actually, nag-iisip ako ngayon na kumbaga, ah, makakuha ng medyo commercial. Mga 300 to 400 sq. meters, tapos gusto ko'ng magpagawa ng three floors. Akin 'yung third floor. 'Yung baba for rentals, for future na rin. 'Yun lang ang iniisip ko'ng future." Ang bahay daw nila sa White Plains ay ilalaan na lang niya para sa kanilang mga anak. Tuloy din ba ang plano niya dati na tumira sa museleo ni Daboy? "Liveable siya. Sa presyo niya, plinano ko. Dahil para namang presyo ng bahay, eh. Ilang milyon din 'yun, eh," natatawang tapos ni Lorna. Source: ABS-CBN Interactive |