Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lorna at Chin Chin, bongga ang talakan!

Lorna at Chin Chin, bongga ang talakan!

Author: Jojo Gabinete

HINDI namin nakakaligtaan na panoorin ang bawat episode ng Dahil May Isang Ikaw dahil paganda nang paganda ang takbo ng kuwento ng TV series na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Sid Lucero, Kristine Hermosa, Chin Chin Gutierrez at Karylle.

Mahuhusay ang mga artista ng Dahil May Isang Ikaw at magkakapantay ang kanilang mga exposure.

Gustung-gusto ng DMII televiewers ang mga bonggang confrontation/talakan scene nina Lorna at Chin Chin. Mataas ang rating ng TV series nina Lorna kaya natutuwa ito sa positive feedback na natatanggap niya.

Nakaapekto ang mga nagdaan na bagyo sa taping ng Dahil May Isang Ikaw kaya sunud-sunod ang taping ng cast para mahabol nila ang mga episode na ipalalabas sa susunod na linggo.
***

Introducing sa Patient X ang Walang Tu­lugan mainstay na si Jake Vargas. Kapatid ni Richard Gutierrez ang role ni Jake sa pelikula, pero isang araw lang ang kanyang shooting dahil namatay siya agad sa pelikula.

Si Jake ang gumanap na young Tristan sa Stairway To Heaven. Si German Moreno ang kanyang discoverer at manager.

Itinanggi ni Kuya Germs ang balita na pinatay kaagad ang karakter ni Jake sa Patient X dahil nagpunta ang kanyang talent sa US. Nakalagay raw talaga sa script na mamamatay ang karak­ter ni Jake.

Umapela nga pala si Kuya Germs sa presscon ng Patient X. Nakiusap siya sa entertainment press na maging “kind” sa pagsusulat tungkol sa local films.

Nalungkot si Kuya Germs dahil nabasa niya na parang natutuwa pa ang ibang mga entertainment writer sa pagsusulat na flop ang isang Tagalog movie.

Nalulungkot si Kuya Germs dahil kung palaging ganoon ang attitude ng ibang mga reporter, talagang mahihirapan ang local movie industry na maka­bangon. Baka mawalan din ng gana na gumawa ng pelikula ang mga movie producer.
***

Personal: Ngayong, October 17, ang 4th anniversary ng SJ Riders Club na pinamumunuan ni Jovito Morales (President) at Board Director Eric Delgado.

Source: Abante