Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lorna, 'di kasali sa 'Pieta' ng Dos

Lorna, 'di kasali sa 'Pieta' ng Dos

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

ITINANGGI ni Lorna Tolentino na ang teleseryeng Pieta ang gagawin niyang project sa ABS-CBN.

Gulat na gulat nga si Lorna nang malaman niyang napasali ang pangalan niya sa naturang teleserye na gagawin ng Dos.

Sabi nga ni Lorna, wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa Dos. At hindi pa raw niya alam kung kailan siya magtatrabaho ulit.

Sabi ni Lorna, mas gusto niya na paunti-unti ang pagbabalik niya sa showbiz. At kung siya ang masusunod, mas gusto niya na isang drama at isang komedi ang gawin niya, para mabalanse raw.

Siyanga pala, bagay na bagay kay Lorna ang bago niyang ini-endorse na PLDT My DSL, dahil naa-accommodate na niya ang maraming tao na gustong mangumusta sa kanya sa pamamagitan ng internet.

Source: Abante