|
|
| Lorna, matindi ang trauma kay Chin Chin! Matapos malagasan ng buhok, makalmot sa mukha at mabukulan sa ilalim ng labi!![]() Author: Jojo Gabinete NALAGAS ang buhok dahil sumabit ito sa singsing ni Chin Chin Gutierrez, may mga kalmot sa mukha at may bukol pa sa ilalim ng labi ni Lorna Tolentino, kaya hindi tama na sabihin na gimik ang pananakit sa kanya para pag-usapan at lalong tumaas ang rating ng Dahil May Isang Ikaw. Tinotoo ni Chin Chin ang pananakit niya kay Lorna sa kanilang confrontation scene. Kung hindi nakailag si Lorna, puwedeng nabulag siya dahil konti na lang ang pagitan ng kanyang mata at ng mahahabang kuko ni Chin Chin na tumama sa mukha niya. Hindi kailangan ni Lorna ng ganitong gimik para pag-usapan siya. Hindi dapat ilihis ang isyu dahil?totoo ang nangyari. Lumampas si Chin Chin sa guhit. Tinotoo niya ang pananakit kay Lorna. Several days ago, isinulat namin ang obserbasyon tungkol sa performance ni Chin Chin sa Dahil May Isang Ikaw. Over-acting na ang patirik-tirik ng kanyang mga mata na ikinumpara namin sa isang bata na nagkombulsyon dahil sa mataas na lagnat. Napansin namin na inaagawan ni Chin Chin ng eksena ang mga artista na kasama niya. May kuwento na iniiba at dinadagdagan ni Chin Chin ang kanyang mga linya kaya nalilito ang co-actors niya sa kanilang mga eksena. Dapat isipin ni Chin Chin na hindi nakikita sa pandidilat ng mga mata, panduduro at pagtataas ng boses ang husay ng?isang artista. May balita na na-trauma nang husto si Lorna sa ginawa ni Chin Chin. Matagal nang artista si Lorna, pero ngayon lang niya naranasan na masaktan dahil tinotoo ni Chin Chin ang pananakit sa kanya. Patuloy na tumataas ang rating ng Dahil May Isang Ikaw kaya nababahala ang followers ng programa. Alam nila na posibleng maapektuhan ang show ng pananakit na ginawa ni Chin Chin kay Lorna, lalo pa at nagsalita na si Lolit Solis na ayaw na nito na makatrabaho ni Lorna si Chin Chin. Si Lolit ang over-protective manager ni Lorna. Ito ang opinyon ni crazybeautiful, isa sa loyal follower ng Dahil May Isang Ikaw, na naniniwala na hindi publicity para sa nabanggit na show ang insidente na kinasasangkutan nina Lorna at Chin Chin: “I do not think that this is just a stint. Considering that DMII is taking over Metro Manila in terms of ratings, the show ITSELF can take care of the ratings game. And let's not discount the power of EchoTin. “I am saddened by this news. I just made a review about Tessa (Lorna) as a vital character on the soap and with these incidents and the impending doom that Tessa as a character could get killed will affect the story as whole. Let's not forget that this soap started with her quest for her lost daughter. “If these incidents do happen, I call on the management to please take action. If ever somebody is bordering to hurting other co-actors intentional or not, I hope you can do something about it. “Discuss with the whole team about how these incidents can be avoided the next time. Set limitations to scenes that could possibly cause physical harm and orient actors how to set limitations for themselves as well. “I know we would want all the scenes to appear very organic, but if this will be at the expense of an actor being hurt then I do not think we should continue letting them do scenes that would subject them to further harm. All of them are professionals. It should remain that way. “I'm just pouring in my thoughts about this whole issue. I am not trying to point fingers as to who should be blamed as this issue might grow to a large scale conflict. Let's take a forward approach to this and let's advance to further developing the story. After all, we all want the same thing -- DMII being number 1 nationwide!” May nakapagsabi sa amin na inaasahan ni Chin Chin na magiging malaking isyu ang kanyang ginawa. Reportedly, may nakarinig nang sabihin ni Chin Chin na “lalaki ito “. Isang saksi sa taping ang nagkuwento sa amin na totoong sinipa ni Lorna si Chin Chin dahil nakita niya na kahit tapos na ang eksena ng kanilang sampalan, pasugod pa rin sa kanya si Chin Chin. Bilang depensa, dahil may mga kalmot na siya sa mukha, sinipa raw ni Lorna si Chin Chin para hindi na siya masaktan pa. Susubaybayan?namin ang isyung ito para sa kapakanan ng mga tao na gustong malaman ang solusyon na gagawin ng management sa malaking problema na idinulot ng totohanan na pananakit ni Chin Chin kay Lorna. Source: Abante |