|
|
| Lorna pinuri ang husay sa akting ni JerichoAuthor: Chan-Chan Torres Matapos ang limang taon, muling magbabalik sa telebisyon ang Grandslam Best Actress na si Lorna Tolentino sa pina-kabagong teleserye ng Dos, ang Dahil May Isang Ikaw na magsisimula sa Agosto 24 sa Primetime Bida. Makakasama rin ni Lorna sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Sid Lucero at Karylle. Ito rin ang pagbabalik-tambalan nina LT at Gabby Concepcion matapos ang ilang taon. Ginagampanan ni Lorna ang karakter bilang si Tessa Ramirez, isang matapang na abogado. Strong-willed woman at may nakaraan sila ni Gabby dito sa istorya. Sa solo-presscon na ibi-nigay para sa nagbabalik na aktres sa Kapamilya Network, tinanong namin kung bakit naisipan ni-yang gumawa muli ng isang teleserye matapos ang limang taon? "Siyempre, bukod sa maganda ng script, gusto ko ring gumawa ng isang de-kalidad na teleserye uli tulad ng ginawa ko noon, na may naiiwang tatak. Gaya nu'ng ginawa kong Kay Tagal Kang Hinintay," sagot ni LT, na ang tinutukoy ay ang markado niyang karakter sa unang teleserye niya sa Dos na pinagsamahan din noon nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Na-miss din ni LT na makatrabaho si Gabby. In fact, malaki na rin daw ang improvement ni Gabby in terms of acting kumpara nu'ng una niya itong nakasama sa pelikula. Aniya pa, marami na rin namang pinagdaanan si Gabby na nakatulong sa pag-motivate sa kanyang emosyon kaya mas humusay pa ang aktor over the years. "Siyempre, malaki ang contribution ni Nanay Lolit diyan!" biro pa ng aktres. Kuwento pa ni LT, aksidente raw niyang nasampal nang malakas si Gabby sa eksena. Emote na emote raw kasi sila sa isang eksena tapos napalakas daw ang sampal niya, hayun nagmarka ang kamay ni LT sa pisngi ng aktor. Naintindihan naman daw ni Gabby ang sitwasyon, at mabuti na lang hindi sa tai-ngan tumama ang sampal. "Eh, kahit naman ako, maingat din na huwag sa tainga ako tamaan 'pag sinasampal ako sa eksena," say pa ni LT. All praises naman ang grandslam winner kay Jericho, na hindi namin ipinagtaka dahil magaling at mada-dala ka sa husay ni Echo. "Magaling talaga si Jericho. Nagre-rehearse pa lang kami, pero dalang-dala na niya ako. Nakukuha na niya agad ang emosyon. Mahusay si Jericho," sambit pa ng beteranang aktres. Aminado si LT, hindi kai-lanman nawawala ang lungkot niya sa pagpanaw ng asawang si Rudy Fernandez. "May kani-kanyang interpretation 'yan ng moving on, eh. Hindi ko alam kung kailan talaga 'yung naka-move on na," pag-amin niya. Honest din si LT sa pagsasabing hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya, sa pagtulog at paggising niya sa tuwing naalala niyang wala na ang pinakamamahal na asawa. It takes time to get over, to heal. Totoo 'yan. * * * Abala si Toni Gonzaga hindi lamang sa kanyang Toni Gonzaga...Level Up (The Provincial Tour) na magsisimula na this August sa Cagayan de Oro, kundi pati na rin sa pelikula niya with Sam Milby. Ito ang kanilang pagbabalik-tambalan,with no less than Ai Ai delas Alas and dating President Erap Estrada. Dahil dito, tila hindi pa pumapasok sa isip ng TV host ang tungkol sa kasal with boyfriend Direk Paul Soriano. Iwas pa rin si Toni 'pag tungkol sa kasal nila ni Direk Paul ang pinag-uusapan. Say ni Toni, nababanggit naman daw nila ang tungkol sa bagay na ito pero hindi pa nila ito priority as a couple. Kunsabagay, sa sobrang busy kasi si Toni, bukod sa pagho-host ng ASAP '09 at PBB, na magsisimula na this September. Tinanong namin si Toni kung ano ang pakiramdam niya sa unang eksena nila ni President Erap? Aniya, akala niya nu'ng una ay maiilang siya dahil dating Pangulo ang kasama niya sa eksena. Sabi ni Toni, hindi na raw siya nagtataka kung bakit sobrang mahal ng masa si President Erap, dahil pantay-pantay ang turing niya sa lahat ng mga tao sa set nila. Maging si Toni, parang anak na rin daw kung ituring ni Pangulong Erap. Aniya, bongga rin daw ang pagkain sa set nila at generous daw si President Erap pagdating sa pagkain. Kapag si Pres. Erap ang kasama mo, hindi magugutom ang mga tao sa set. Source: Taliba |