Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Lotlot pinaiyak ni Pilita

Halatang imbyerna si Lotlot de Leon sa isang talent manager na hindi ko na sasabihin ang pangalan.Nag-iiba ang mukha ni Lotlot kapag nababanggit ang name ng talent manager na hindi niya feel.In fairness kay Lotlot, wala siyang sinasabing masama laban s...

 

Lotlot pinaiyak ni Pilita

Column: Take It! Take It!
Author: Lolit Solis

Halatang imbyerna si Lotlot de Leon sa isang talent manager na hindi ko na sasabihin ang pangalan.

Nag-iiba ang mukha ni Lotlot kapag nababanggit ang name ng talent manager na hindi niya feel.

In fairness kay Lotlot, wala siyang sinasabing masama laban sa talent manager pero action speaks louder than words, debah?

Mabait na bata si Lotlot at para magalit siya sa isang tao, siguradong malaki ang kasalanan na ginawa nito sa kanya o sa miyembro ng kanilang pamilya.

* * *

Composed na composed si Lotlot nang umapir siya sa Startalk noong Sabado at magsalita tungkol sa pagiging legal ng hiwalayan  blues nila ni Ramon Christopher.

Pero ibang Lotlot ang napanood sa The Buzz noong Linggo dahil umiyak siya.

Halatang na-hurt si Lotlot sa interbyu kay Pilita Corrales na nag-dialogue na galit sa kanya ang dating manugang.

Cry si Lotlot nang magpaliwanag ito na masakit sa kanya na pagbintangan na nanlalalaki siya.

Si Pilita ba ang nagbitaw nang ganoong salita kaya nasaktan nang husto si Lotlot, na nag-promise na hindi iiyak sa mga interbyu, pero hindi napigilan ang sarili na mapaluha dahil very false ang akusasyon sa kanya?

* * *

Na-miss ng fans ni Yasmien Kurdi ang Tasya Fantasya noong Linggo dahil hindi ito naipalabas.

Ala-una na nang hapon nang mag-umpisa ang SOP dahil ipinalabas ng GMA 7 noong umaga ang pelikula ni Vic Sotto at ang pilot episode ng Dyesebel.

Eh napahaba ang airtime ng SOP dahil sa birthday celebration ni Judy Ann Santos na binigyan ng maraming sorpresa, kabilang na ang surprise appearance ni Sharon Cuneta.

Dalawang linggo nang napapanood si Juday sa SOP kaya marami na ang nagtatanong kung lilipat na ba siya sa Kapuso?

Uulitin ko ang siney ni Juday, isang taon pa ang kontrata niya sa ABS-CBN. Ang ibig sabihin, hindi totoo ang tsismis.

Pero makahulugan ang sinabi ni Juday na nag-umpisa ang kanyang TV career sa GMA 7. Siney niya ang pamagat ng TV series na kanyang pinagbidahan pero hindi ko na ito matandaan.

* * *

Grabe na pala ang problema sa child abuse at child exploitation sa ating bansa.

Nakakalokang isipin na talamak ang bentahan sa mga bangketa at mga mall ng mga mahahalay na  DVD na tinatampukan ng mga paslit na bata.

Ibinulgar ni Edu Manzano ang kasumpa-sumpang paggamit sa mga bagets sa mga sex video.

Habambuhay na pagkakakulong ang dapat na maging parusa sa mga magulang na ipinapasok sa prostitution ang kanilang mga anak para magkaroon sila ng datung.

Nakakadiri sila ha? Hindi sila dapat magkaroon ng space sa lipunan dahil kung nagagawa nilang i-exploit ang mga sariling anak, ang ibang tao pa kaya?

Source: The Philippine Star