Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Love scene ni Claudine kina Gabby at Diether, walang kaso kay Raymart

PARANG premiere night ng isang pelikula ang ginanap na red carpet press at celebrity screening ng teleseryeng Iisa Pa Lamang last Friday night, dahil ginawa pa ito sa Cinema 2 ng SM The Block at dinaluhan ng buong cast sa pangunguna nina Claudine Barre...

 

Love scene ni Claudine kina Gabby at Diether, walang kaso kay Raymart

Column: Hot 'n Spicy
Author: Vinia Vivar

PARANG premiere night ng isang pelikula ang ginanap na red carpet press at celebrity screening ng teleseryeng Iisa Pa Lamang last Friday night, dahil ginawa pa ito sa Cinema 2 ng SM The Block at dinaluhan ng buong cast sa pangunguna nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Gabby Concepcion.

Star-studded ang affair, dahil bukod sa naglalakihang cast ay dumalo rin ang ibang artista bilang suporta sa proyekto, tulad na lang ni Raymart Santiago, na sinuportahan ang asawang si Claudine, at Maja Salvador, na nag-iisang dumating.

Pinagkaguluhan ng press si Raymart at iisa ang tinanong sa kanya - kung ano ang masasabi niya sa love scenes ng asawa kina Gabby at Diet.

Ayon kay Raymart, okay lang ito sa kanya, dahil alam niyang trabaho ito. Nagbiro pa siya ng "pinalalaki lang naman ninyo, bakit naman kay Aga (Muhlach), walang mga ganyang issue?"

Dumalo rin ang mother-in-law ni Claudine na si Cielito Legaspi (nanay ni Raymart), na bihirang-bihira mong mapapunta sa isang showbiz event.

Naunang pumasok si Raymart sa sinehan dahil kasabay ni Claudine na pumasok ang dalawang leading men.

Pagdating niya ay pinuntahan agad ang asawa sa silya nito't mahigpit na nagyakapa't naghalikan saka sabay na pumunta sa upuan sa harapan.

One-week episode ang ipinanood sa press, na umabot ng dalawang oras mahigit, kaya para na rin talaga kaming nanood ng isang pelikula.

Sa one week na ipinakita ay lumutang agad ang acting ng ilang cast member, partikular na si Cherry Pie Picache na kamumuhian mo talaga sa kanyang papel bilang Isadora, ina ni Miguel (Diether).

Pinalakpakan din si Susan Roces sa mga eksena bilang mabait pero matapang na lola ni Catherine (Claudine).

Nagpatalbugan sa pag-arte ang tatlong bida ng serye although sa pilot week, masasabing kina Claudine at Diet ang mabibigat na eksena, pati na ang love scenes, at coming soon pa lang ang kay Gabby.

Topless kung topless si Diet na talaga namang super guwapo at sexy ang katawan sa screen.

Sa second week, ipinakita na rin ang ilang eksena't tinilian naman ang love scene nina Gabby at Claudine.

* * *

NAKAUSAP namin si Maja bago pumasok sa sinehan at kinunan namin siya ng reaksyon tungkol sa balitang panay ang text sa kanya ni Chad Peralta ng PDA Season 1.

"Nagte-text nga po, pero hindi naman po ako 'yung palasagot, hindi po ako reply nang reply. Minsan tinatanong niya, how are you, ganyan, tapos sasagutin ko, I'm okay. Tapos, mahilig kasi siyang magluto ng spaghetti, ganyan-ganyan, tapos tatanong niya do you want spaghetti, ganyan-ganyan. Sabi ko, yes, ganyan.

"Kasi sa ASAP, 'pag nag-uusap kami, laging spaghetti ang pinag-uusapan namin," sabi ni Maja.

Favorite raw niya ang nasabing pagkain at gusto raw tikman ang luto ni Chad.

Inamin din niyang niyayaya siyang mag-dinner ni Chad, pero hindi raw date.

Sinagot na lang daw niya na kapag may libreng oras siya, pero ang totoo raw, wala talaga siyang oras.

Ang tanong, type ba niya si Chad?

"Eh hindi naman siya nagpupursige, eh," sagot ni Maja.

Itinatanggi rin niya ang tsismis na sila na ni Jon Avila, kapareha niya sa Komiks Presents Mars Ravelo's Kapitan Boom, na napapanood every Saturday.

"Hindi ko nga po alam kung bakit kami nali-link. Sweet lang po kami kasi 'yung bonding namin, sobra po talaga. Pero wala naman po. Nagulat nga ako nung lumabas na obvious na obvious daw kami. "

Hindi raw nagpaparamdam si Jon sa kanya at hindi rin nagte-text na tulad ni Chad .

"Nakakatuwa nga si Chad, eh," say ni Maja nang mabanggit na naman ang pangalan ng singer. "Kumuha pa siya ng Sun, hindi kasi, Sun Cellular endorser ako. Tapos, sabi niya (sa text), this is my Sun number. Ay, ang taray, kumuha pa ng Sun! Du'n ko siya nire-replayan," say niya.

Parang may pag-asa si Chad , huh?

"Ngeee," sagot ni Maja.

Source: People's Tonight