Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lover's quarrel nina Vic at Pia dumadalas

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HOW true na madalas daw mag-away ngayon sina Vic Sotto at Pia Guanio?

Last Saturday ay wala si Pia sa Eat Bulaga at marami na ang nakakapansin sa tampuhan ng magdyowa.

Kahit daw ang staff ng sitcom nilang Ful Haus ay napapansin na rin ang tila dumadalas na tampuhan ng dalawa.

At iisa lang daw ang punu't dulo ng lahat -- ang bagong katambal ni Vic sa movie na Love On Line na si Paula Taylor, ang isang sikat na Thai model.

Balitang type na type ni Vic ang beauty ng dalaga.

Pero marami rin ang nagsasabi na hindi raw basta-basta away lang ang nangyayari ngayon sa sikat na hosts.

Ilang araw na kasing napapansin na madalas wala si Pia sa no. 1 noontime show ng Kapuso.

How true kaya?

* * *

PAPUNTA na ba talaga si Lovi Poe sa paseksi at daring role?

Aba, ang kanyang Walang Hanggang Paalam indie film na kasama sa Cinemalaya ay binigyan ng R-18 ng MTRCB.

Role ni Lovi sa movie ang pakikipagrelasyon sa dalawang lalaki, isang ka-edad niya at mas matanda sa kanya.

Balita pang ang movie na ito na produced ng Japanese actor na si Jacky Woo na idinirek nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos ay dapat na nag-showing na noon pang February pero hindi na-approve ng MTRCB.

Unang review pa lang daw kasi ng movie ay na-Rated X agad.

Dapat ay kasama ito sa mga pelikula ng IndieSine na ipinalabas sa Robinsons Galleria pero hindi umabot dahil kailangan pa raw magre-shoot.

Kung paano nagawa ni Lovi na makipagrelasyon kina Joem Bascom at Jacky Woo, ito ang magi-ging kabuuan ng istorya na kinunan pa sa Baguio.

Ayon sa ilan matindi raw ang lovescene nina Lovi sa Jacky, pero kay Joem halikan lang daw sila.

Panoorin kaya ang Walang Hanggang Paalam? ni Jolo Revilla, ang current boyfriend ni Lovi?

* * *

IBANG isyu ang lumabas sa taping ng Dear Friend "Kay Tagal Kitang Hinintay" episode ng mag-ex na Sunshine Dizon at Polo Ravales.

Nababalita kasi ang sweetness ng dalawa dahil panay ang harutan nila sa set.

Maging kami ay saksi sa lambingan ng dalawa nang bumisita kami sa set.

Inamin naman ni Sunshine na sa mga naging boyfriend niya, si Polo lang ang naging kaibigan niya.

Meaning, nag-uusap at nagti-text silang madalas.

Hindi rin asiwa si Sunshine na makasama sa alinmang trabaho si Polo.

Parehong loveless ang dalawa kaya hindi imposibleng magkabalikan ang mga ito.

Kasama rin nila si Chynna Ortaleza at mapapanood ang Dear Friend, hosted by Jolina Magdangal and Marvin Agustin, after SOP.

* * *

MASAYA si Chairman Bayani Fernando nang mag-celebrate ng 63rd birthday.

Marami kasing taga-suporta niya ang dumating para siya batiin at hilingin na rin na ituloy ang laban sa 2010 elections.

Sa interview kay Chairman Bayani ng 24 Oras, tuloy pa rin ang kanyang pagtakbo sa 2010 kahit sino pa ang piliin ng kanyang partido.

Ang isang bagay na maganda kay Chairman Ba-yani ay mayroon itong isang salita.
Gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng nakararami.

Tulad ang panukala niya na matulungan ang OFWs na bawasan ang singil sa buwis at anumang fees na binabayaran ng mga ito.

"Maraming mga bumibiktima sa mga OFW -- recruitment, agencies, gobyerno at mga bangko. Ginagawa silang gatasan," paliwanag ni Bayani.

Ayon sa ulat ng International Monetary Fund noong 2006, ang mga bangko sa bansa ay kumakaltas sa OFWs ng $1. 72 bilyon, o 13. 5 porsiyento ng $12. 8 bilyon na ipinadala ng OFW sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

Ang hindi maganda rito, ang India at Mexico na marami ring overseas workers, ay mababa ang kinakaltas na buwis at mga bayarin.

Kaya pangako ni Bayani sa ating OFWs, sisikapin niyang mas malaking porsiyento ng kanilang kita ang mapunta sa kanilang pamilya.

* * *

DAHIL nasa plano na ng SOP na laging bago ang nakikita sa show, pahinga muna ang You've Got Male na binubuo nina Harry Santos, Bryan Termullo, Gian Magdangal at Jan Nieto.

Mapapanood pa rin sina Jan at Gian every Sunday sa SOP, pero as individual talents na.

Si Bryan ay nasa soap opera nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na All My Life. habang kay Harry ay balitang may plano ang Artist Center.

Ngayong Sunday ay all star cast ang SOP dahil lahat ang stars mula afternoon soap hanggang evening primetime shows at magpe-perform ng kakaibang production numbers para sa kanilang fans.

* * *

MASAYA ang buong pa-milya ni Sen. Bong Revilla sa pamamalagi ng unang apong si Gab, anak ni Jolo Revilla kay Grace na anak ni Rosanna Roces.

Mahal na mahal ng pa-milya si Gab kasi kahawig ito ng kanyang Lolo Bong.

Mahilig sa bata sina Lani at Bong kaya natutuwa silana sa kanilang bahay namamalagi ang first apo.

Ngayong Sunday sa Kap's Amazing Stories, tampok ang iba't ibang klase ng martial arts mula sa iba't ibang lugar sa buong daigdig, na mapapanood pagkatapos ng Showbiz Central.

* * *

NGAYONG Sunday sa Joey's Quirky World , dadalhin tayo ni Joey de Leon sa Japan para matikman ang iba't ibang klase ng stuffed bread. Pupunta rin si Joey sa Australia at Myanmar para lalo kayong ma-entertain.

Kaya tutok lang sa Joey's bago mag-SOP.

Source: Taliba