|
|
| Lovi Poe may X-Rated movieAuthor: Noel Asiñas PINAGPIPILIAN ni Melanie Marquez na mag-aral ng abogasya sa Arellano University o sa isang Law school sa Hawaii o Utah, USA. Kung sa Pilipinas siya matutuloy mage-enroll na siya sa Arellano para sa klase ngayong June. Kung sa America siya mag-aaral, August this year pa siya magsisimula sa klase at limang taon siyang mamamalagi roon. Ang magiging desisyon niya ay depende sa asawang si Adam Lawyer. Ani Melanie: "Plano kong makapagtapos ng ng Law course kapag ako'y 50 years old na. " Nakausap namin si Melanie sa 40th birthday party ni Jaime Acosta, president ng Psalmstre, ang manufacturer at distributor ng New Placenta soap. Nasa okasyon si Melanie dahil endorser siya ni Mr. Acosta ng New Placenta soap. Samantala, busy nga-yon si Melanie sa TV show ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na Habang May Buhay. Head nurse siya sa istorya. * * * SUWERTE si Marvin Agustin dahil nadagdagan na naman ang prog-rama niya sa GMA-7. Bukod sa Dear Friend nila ni Jolina Magdangal, may solo program na siya, ang Outrageous and Courageous na mapapanood Tuesday night sa Kapuso network. Anyway, noong nasa ABS-CBN pa si Marvin ay pinapangarap na niyang mag-karoon ng solo show. Sa GMA-7 ito natupad. By the way, nasa ikaapat na episode na ng Dear Friend ang istorya ng dalawang binatang umiibig sa iisang babae kung saan tampok sina Mart Escudero, Jenica Garcia at Dion Ignacio. * * * PATULOY na magiging busy ang dalawang hosts ng Pinoy Records na si-na Manny Pacquiao at Chris Tiu. Si Manny ay sa pre-paration ng laban niya kay Ricky Hatton, at si Chris ay magte-training bilang member ng Philippine team sa basketball. Last Saturday, tampok sa Pacman Challenge sina Paolo at Bubbles Paraiso, Cookie at Belli Flori at Mang Enriquez at Chariz Solomon. Nakilala rin si Raphael Enriquez bilang Astig Pinoy sa sports na motocross. * * * MATAAS ang ratings ng SOP last Sunday. Salamat sa good performance ng cast kasama ang mga artista ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na pinangunahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ngayong Sunday naman darating ang hottest love team ng taon, Richard Gutierrez at KC Concepcion, para mag-promote ng When I Met U. May birthday celebration din sa SOP sina Lovi Poe at Heart Evangelista. May video launching si Regine Velasquez na ngayon lang natin mapapanood sa television. * * * Lovi Poe is busy sa kanyang 20th birthday ngayong Sunday. Bukod sa birthday celebration sa SOP, magiging abala rin siya sa pagbabasa ng libro kasama ang mga bata sa Street Children of Child Hope Asia . Bukod dito, mag-kakaroon ng premiere ngayong Linggo ng gabi ang pelikula niyang Walang Hanggang Paalam sa Robinson's Galleria. Kasama niya sa movie sina Joem Bascon at ang Japanese actor na si Jackie Woo. * * * May homosexual love scenes kasi rito ang dalawang sikat na aktor. Bukod pa sa love scene nina Lovi at Jackie Woo. * * * TULOY pa rin ang Takeshi's Castle hanggang katapusan ng February. Pagkatapos nito, ang ipapalit ay mas hilarious at maraming bagong games, ang Joey's Quirky World. Ngayong araw, panibagong film clips mula sa Japan ang mapapanood. Syempre, ang local version ng games, tampok ang malalaking stars ng GMA-7 with hosts Joey de Leon and Ryan Yllana. * * * MASAYA si Sen. Bong Revilla sa programa niyang Kap's Amazing Stories dahil kahit saan siya pumunta sa Pilipinas ay bukambibig ng mga kabataan ang kanyang programa. Proud si Bong dahil very educational ang kanyang show. Nagiging lecturer pa siya minsan kapag dinadala ang videos ng Kap's Amazing Stories sa iba't ibang school sa buong Pilipinas. Source: Taliba |