Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Lovi ibinulgar ang 'lihim' na relasyon nila ni Jolo Revilla

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

NAPAKASEKSI ni Lovi Poe nang makita namin sa presscon ng Show Me Da Manny at feeling namin ay in-love ang dalaga ng namayapang si Fernando Poe Jr.

"Loveless pa rin po ako hanggang ngayon," bungad ni Lovi. "Naka-concentrate po ako sa aking showbiz ca-reer. "

Loveless, meaning ta-lagang wala na sila ni Jolo Revilla? So, totoo palang nag-break na sila ng binata ni Sen. Bong Revilla.

"Sa totoo lang, wala namang break-up na nangyari sa amin ni Jolo kasi hindi naman talaga kami nagkaroon ng relasyon. Su-per close lang kami ni Jolo. We go out at nagda-date, pero walang relasyong na-magitan.

"Nag-usap kami ni Jolo na mag-concentrate muna kami sa aming showbiz career. Siya ay busy sa TV se-ries sa Dos at ako naman ay hindi nawawalan ng project sa GMA7. 'Di ba mas maganda 'yong kapwa kami nakapag-iisip nang mabuti at nalalaman namin ang mga dapat at hindi dapat kapag pumasok ka sa isang seryosong relasyon?

"Maganda nga ito na habang nagkakaedad kami ay nalalaman namin ang maganda at hindi sa isang relasyon Both of us naman ay sumang-ayon na mag-concentrate muna sa aming mga career," esplika ni Lovi.

Pahabol pa ni Lovi, hindi naman niya isinarado ang puso kay Jolo, Aminado kasi ang young actress na si Jolo ay wonderful and responsible person. At kung tala- gang sila raw ay para sa isa't isa, wala silang magagawa kundi sundin ang itinadhana ng Diyos.

Going back sa Show Me Da Manny, happy si Lovi dahil makakasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at si Darna sa katauhan ni Marian Ri-vera.

* * *

SA Monday na formal na ipakikilala sa press ang contestants ng Celebrity Duets 3 na binubuo ng walong mga sikat na celebrities.

Tulad nang naisulat na namin, kasama sa walo si Nonito Donaire at nakapag-taping na sila kamakalawa ng CD3 hosted by Regine Velasquez and Ogie Alcasid.

Pero, we heard na gaga-win daw siyam ang magiging contestants. Hindi pa kami sigurado kung nakapasok din si Gina Alajar na si-yang sinasabing actress/director na pumasok din sa contest.

Kung walang naging aberya at nakapasok nga si Ms. Gina ay magiging siyam ang dating walong contestants sa Celebrity Duets 3 na siyang ipapalit sa pagtatapos ng Are You The Next Big Star sa Aug. 23.

* * *

NGAYONG Friday sa Bubble Gang, makikilala na ng spoiled na si Angelina ang kanyang guardian angel at guardian devil.

Panahon na para ma-rea-lize ng alaga ni Yaya ang mga kapilyahan niya. Sa Bubble Gags, tampok ang mga kuwento ng mga nagkagulatang magsing-irog dahil 'di akalain ng isa sa kanila na sexy dan-cer pala ang boyfriend-girlfriend

Sa isang Madramang Meeting maga-apply si Ogie para sa position ng isang drama writer. Ang hindi niya alam, lahat ng tao sa kom-panyang inaaplayan ay saksakan pala ng mga drama sa buhay.

Si Bitoy ay a-attend sa isang seminar tungkol sa pagtikwas ng daliri. Maamin kaya niya sa sarili ang tunay niyang kasarian? Guest si Iza Calzado sa BG kung saan gagampanan niya ang isang spa manager na panay ang pagsisinungaling sa kanyang mga customer. Kasama rin siya sa gag na Subtitles ka-tambal si Wendell Ramos pagkatapos ng GMA Telebabad.

* * *

BAGO nagsimula ang presscon ng Show Me Da Manny ay nagpahayag muna si Manny Pacquiao na magpapa-raffle siya. At ipinagdiinan ni Pacman na lahat ng re-porters na dumalo sa presscon ay mananalo.

Tinupad naman ni Manny ang pangakong walang uuwing luhaan dahil dinagdagan niya ang cash prize para manalo lahat.

Anyway, nang tanu-ngin si Manny kung hindi ba matutulad kay Ara Mina si Marian Rivera na leading la-dy niya sa SMDM na baka pagselosan ng kanyang maybahay na si Jinkee. sagot ni-ya: "Sa mag-asawa, 'di na-wawala dapat ang selosan. Kasi kapag wala nang selos ang mag-asawa ay wala na rin 'yong pagmamahal nila sa isa`t isa, di ba?

"Kay Marian, nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya. Ganoon din sa iba pang kasama namin sa cast, magkakapatid ang tu-ringan namin. " Paano na ang boxing career ni Manny ngayong TV star na siya? Tila mapapabayaan na raw niya ang profession na nagpasikat sa kanya.

"No! Next month ang gagawin kong training bilang paghahanda sa laban namin ni Cotto sa Las Vegas. Eight weeks ang inilaan namin ni coach Freddie para mag-ensayo. Dito naman sa taping ng show ko sa Siyete, maga-advance ta-ping kami para kahit nasa ensayo ako ay 'di maapektuhan ang takbo ng istorya ng show," say pa ni Manny

Sa presscon din namin nalaman na willing si Manny maging negosiyador sa Mindanao. Hangad daw kasi niya ang kapayapaan ng bansa para magkaisa ang samba-yanang Pilipino.

Dahil mapanganib ang maging peace negotiator sa Mindanao, kung pipigilan daw siya ni nanay Dionisia at wife Jinkee ay ipapaliwa-nag niya sa dalawa na kaila-ngan niyang gawin ang na-rarapat para mapag-isa ang mga Pinoy.

* * *

UMALIS sa presscon ng Tarot si Dennis Trillo na masaya at nawala ang pa-ngamba nang magpahula sa isang psychic na gamit ang tarot cards.

Hindi kasi naniniwala si Dennis sa mga hula, pero pagkatapos daw siyang hulaan sa pamamagitan ng ta-rot cards ay bigla siyang su-mampalataya sa hula.

"Wala kasi akong itinatanong, pero nasabi ng ta-rot reader ang past, present at maging ang magaganap sa aking hinaharap. Grabe, lahat ng hula niya ay puro tama," wika ni Dennis.

Maagang natapos ang solo presscon para kay Dennis na inihandog ng Regal Films dahil may taping pa ito ng Adik Sa'Yo kung saan kasama niya sina Pauleen Luna at Marvin Agustin. Na-tanong namin si Dennis kung hindi ba sila nagkakailangan ni Marvin sa set ng Adik. . dahil kay Pauleen.

"Wala namang ga-nu'ng pangyayari. Okey ka-mi ni Marvin. Sa taping ay puro trabaho ang inaatupag namin para lumabas na maganda," say ni Dennis

* * *

IKINAGULAT ng mga press sa presscon ng Show Me Da Manny ang pagka-kasama sa cast ng sitcom si AJ Dee na kilalang nasa pa-ngangalaga ng Star Magic.

"Maganda naman po ang paglipat ko sa Siyete from Dos. Nakipag-usap naman po ako sa Star Ma-gic, na siyang nangangalaga ng aking career, na lilipat ako ng TV network. Pu-mayag naman sila at walang naging problema, Saka tamang-tama naman na ma-lapit nang matapos ang contract ko sa kanila," say ni AJ na nakilala sa TV Idol ng Kapamilya.

Career move ba ang ginawa niya kaya siya lumipat ng TV network?

"Ganu'n na rin po si-guro kasi hindi naman ako gaano nabibigyan ng project dahil mas maraming mas bata sa akin sa Star Magic. Bago ako sila muna ang na-bibigyan ng project. Pero nagpapalasamat ako sa Dos dahil sila ang nagbigay sa akin ng pagkakataong ma-kapasok sa showbiz," esplika pa ni AJ

Ngayon ay nasa pagma-manage na rin ni Popoy Garavilyo si AJ at pinagdiinan niya na hindi siya sinulot sa Star Magic ni Popoy. Siya raw mismo ang lumapit at na-kipag-usap kay Popoy para hawakan siya na hindi naman tinanggihan ng manager nina Marian at Dennis Trillo.

* * *

SABI ni Roselle Monteverde na tulad ng Star Cinema ay mayroon din daw silang problema sa SM Cinemas.

Kung gaano na katagal ang kaso ng Star Cinema ay ganoon din daw ang Regal Films at sa iba pang production outfits. Ayaw na ayaw ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ng away pa kaya nagkaisa raw silang mga producer na makipag-meeting sa mismong top exe-cutives ng SM para maayos ang problema. Malaki ang paniniwala ni Roselle na ma-aayos din ang lahat.

Source: Taliba