|
|
| Lovi, sinundo ni Jolo sa Ogie-Regine concertAuthor: Gerry Ocampo SRO ang concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Klownz-Quezon Avenue, last Saturday with Lovi Poe as guest. Pagkatapos ng number ni Lovi, nagpaunlak itong magpa-interview sa PMPC members at hindi naman nabigo ang grupo nang dumating si Jolo Revilla para sunduin ang singer-actress. Kinikilig ang mga miron at ilang writers nang harapang sabihin ni Jolo sa dalaga na hindi siya magugutom sa piling nito. Seryoso at handa rin daw siyang maghintay kung kailan magiging handang makipagrelasyon ang dalaga ni Da King. Sabi kasi ni Lovi, hindi pa siya handang makipag-boyfriend. Sa year 2010 pa raw siya makikipagrelasyon. Ipinagtapat din ni Lovi na si Jolo pa lang ang taga-showbiz na manliligaw niya na umakyat ng bahay nila para pormal na manligaw. Habang ini-interview ng grupo ang dalawa, nasa kabilang mesa naman ang manager ni Lovi na si Leo Dominquez. Sey ni Leo, 18 na si Lovi. Alam na nito ang tama at mali. Hindi na rin daw siya tutol maging boyfriend ng alaga ang binata nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado. Gentleman at responsible naman daw kasi si Jolo. Samantala, bago nagsimula ang concert nina Ogie at Regine, inungkat namin sa una kung ano ba talaga ang rason ng paghihintay nila ng Asia's Songbird para magsama sa iisang bubong. Sabi ni Ogie, wala namang problema. May inaayos lang sila ng dating asawang si Michelle van Eimeren at siniguro pang this year, maaaring maayos na ito. * * * Nagkaroon ng intimate birthday party si Katrina Halili sa piling ng mga close friend at press last Saturday sa Barrakz Bar, Tomas Morato. Loveless pa rin ang beauty ni Katrina, pero masaya raw siya dahil hindi pinababayaan ng GMA-7 ang kanyang showbiz career. Tinanong namin ang sexiest actress ng FHM kung ano ang mas type niya: Maging Darna o Dyesebel? "Gusto kong lumipad. Ayokong lumangoy, masakit sa mata. Kaya lang, 'di na ako puwedeng lumipad dahil mayroon nang lilipad at mayroon na ring lalangoy. Hindi ko lang alam kung sino sila," say ng blooming na hitad. Ang reaction naman niya sa biglaang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado ay: "Actually nu'ng una, nabigla ako. Pero nu'ng marinig ko ang paliwanag nila ni Patrick (Garcia), naiyak ako. Kung ako ang nasa kalagayan ni Jen, itutuloy ko rin ang pagbubuntis. "Hindi ako naniniwalang babagsak ang showbiz career ni Jen. Bakit si Val (Valerie Concepcion)? May statement na ang GMA Artists Center tungkol diyan. "Pinagpapahinga muna si Jen para maalagaan ang baby niya't makapagpahinga siya. 'Pag nanganak na siya, nandiyan pa rin ang GMAAC na handang tumulong sa career niya," dagdag pa ni Katrina. * * * CongratS kay Senator Bong Revilla dahil tinanghal na Best Picture ang Resiklo sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival sa SMI Convention Center, Mall of Asia. Dobleng kasiyahan ang nadarama ngayon ni Sen. Bong dahil umaariba rin sa ratings game ang kanyang Kap's Amazing Stories every Sunday sa GMA-7. Sabi nga ni Sen. Bong, "Hindi ako nabigong makagawa ng isang maganda at de-kalidad na pelikulang puwede nating ilaban sa ibang bansa. Malaking budget ang inilaan namin sa Resiklo para iangat ang antas ng ating mga pelikula. "Pero, binabati ko rin ang aking kaibigang matalik na si Sen. Jinggoy Estrada sa pananalo bilang Best Actor. Deserving talaga ang best friend ko. Ang galing-galing niya sa Katas ng Saudi, dugtong pa ng aktor-pulitiko. Source: People's Tonight |