|
|
| Lucy lucky charm ni GomaAuthor: Gerry Ocampo SUWERTE si Richard Gomez sa pagkakaroon ng maganda at maunawain asawa. Tulad ng muling pagtakbo ni Goma sa pulitika, nandiyan pa rin ang asawang si Lucy Torres para sumu-porta at tumulong sa abot ng kanyang makakaya. Lucky charm nga ni Goma si Lucy dahil kahit saan magpunta ng dalawa ay pinagkakaguluhan sila at pinanggigilan ng fans. Kapag wala si Lucy sa tabi ni Goma sa out of town appearance ng actor ay laging itong hinahanap-hanap ng fans. Maging sa TV show ay napapanatili ni Lucy ang taas ng rating ng kanyang show tulad ng The Sweet Life QTV 11, Monday to Friday at 5pm. Sa isang interview nga ay naibuko niyang hindi pa raw ikakasal si John Estrada, na buddy-buddy ng husband niyang si Goma. Totoo raw na nag-propose ng kasal si John sa girlfriend nito pero ma-tagal pa ang kasalan. "Hindi naman nagmamadali sina John at Priscilla (Mierelles) magpakasal kaagad dahil pareho pa silang busy sa kanilang showbiz career. Sa year 2011 pa ang target date ng kasal nila," say ni Lucy. Nag-decide lang daw si John gawing formal ang engagement para patunayan na seryoso at sincere siya sa Brazilian girlfriend. Kuwento pa ni Lucy nag-meet na raw sina Priscilla at Janice de Belen, Si John na rin daw mismo ang nagpa-introduce sa dalawa nang magkita-kita sila sa isang event. Si Priscilla pa raw mismo ang lumapit at nagbeso-beso kay Janice. Maging ang mga anak ni John sa ex-wife ay kasundo raw ni Priscilla. "Priscilla is nice, mabait and she loves kids. She gets along well with John. She has a good heart and we are happy for her and John," kuwneto pa ng super-seksi at flawless na si Lucy. * * * Finally nagsalita na rin si Precious Lara Quigaman about her and Marco Alcaraz. Pati ang tsikang kaya siya pinatalsik sa Wowowee dahil binasted niya si Willie Revillame. "Hindi ko boyfriend si Marco," bungad ni Lara. "Pero aaminin ko na gusto ko si Marco, Hindi naman siguro ako sasamang lumabas sa kanya kung hindi ko siya gusto. " Sa tsika na si Marco ang dahilan kung bakit tuluyan siyang tsinugi sa Wowowee dahil nagalit daw si Willie sinabi nitong nagko-costcutting daw ang Wowowee. "Wala na po akong alam. Wala rin akong alam na ikinagalit ni Willie ang paglabas-labas namin ni Marco. Totoo na pinagdalhan ako ng bulaklak ni Willie. Twice, noong mag-muse ako sa Wowowee-lympics at sa bahay. Hindi naman po araw-araw," depensa pa ni Lara. Iginiit ni Lara na kuya lang daw talaga ang tingin niya kay Willie at mataas daw ang respeto niya sa TV host. * * * NASABI ni Mark Anthony Fernandez napakasu-werte niya at nasama siya sa TV series with Marian Rivera. "Natutuwa lang talaga ako dahil marami namang mapagpipilian na maging leading man ni Marian sa Darna ay sa akin pa napunta ang role na leading man nito sa series. "Nakakatuwa talaga, kasi puro magaganda at mababait ang nagiging leading ladies ko sa GMA-7. Nandi-yan sina Sunshine Dizon (Impostora), Regine Velasquez (Ako Si Kim Samsoon), Iza Calzado (All About Eve), Heart Evangelista (Luna Mystica) at ngayon si Marian Rivera. Parang ang ganda ng takbo ng career ko ngayon. "Kaya ayoko ma-miss ang bawat opportunity ngayon. Pinagkakatiwalaan tayo kaya ipinapakita ko rin na gustung-gusto ko ito. Lalo na itong Darna na marami nang nag-aabang," ani Mark. Aminado rin si Mark nang una taping nila ni Marian ay nahihiya siya sa dalaga. "Nagkakausap na kami at nakakatuwa pala siyang kasama. Nagkakakuwentuhan na kami rin kami nga-yon," nakangiti sabi pa ni Mark. * * * Finally naibigay na rin sa sikat na nobelista at director na si Carlo Caparas ang karangalan para maging National Artist for Visual Arts/Films. Wala na siguro mahihiling ngayon si Direk Carlo, nang tanghalin siyang National Artist. Naunahan pa niya si Dolphy na matagal na rin pinapangarap ni Zsa Zsa Padilla na igawad sa nag-iisang Comedy King. Ang isang mahirap noon ay nagpursige at natupad ang pangarap na makilala hindi lamang sa pagsusulat na nobela kungdi maging sa pagdidirek sa pelikula. Mabuhay ka, Direk Carlo J. Source: Taliba |