Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Luis Manzano lucky charm ni Angel Locsin

Taliwas sa mga naunang balita, hindi pa pala naipakilala ng pormal ni Luis Manzano ang rumored girlfriend niyang Angel Locsin sa amang si Edu Manzano. Tinanong namin mismo si Luis kung naipakilala na niya si Angel kay OMB Chairman Edu, aga...

 

Luis Manzano lucky charm ni Angel Locsin

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

Taliwas sa mga naunang balita, hindi pa pala naipakilala ng pormal ni Luis Manzano ang rumored girlfriend niyang Angel Locsin sa amang si Edu Manzano.

Tinanong namin mismo si Luis kung naipakilala na niya si Angel kay OMB Chairman Edu, agad namang sinabi ni Luis na , "no they haven't met personally. "

Totoong nagkita raw sina Chairman Edu at Angel sa isang showbiz function noon sa Dos. That was around December pa.

Natatandaan pa naming nakapagbigay din si Chairman Edu ng first impression niya kay Angel at that time.

Aniya, he finds her nice at pormal na tipo ng babae. Pero nilinaw ni Luis, hindi pa raw talagang hanggang doon pa lang ang meeting ni Angel with Chairman Edu.

In fairmess, happy kami para kay Luis dahil nagtagal ang samahan nila ni Angel. Si Luis naman kasi ang tipo ng lalaking maipagmamalaki mo at hindi mo ikakahiyang iharap sa magulang mo, di ba?

Mukhang lucky charm nga ni Angel si Luis, noh. Pansinin niyo ha, mula nu'ng ma-link ang dalawa tuluy-tuloy na ang magagandang blessings na dumarating sa buhay ni Angel. Bumongga ng husto ang career niya!

Nabanggit din ni Luis na sa Amerika pala sila unang nagkita at doon ay agad na siyang nabighani sa dalaga. Ito ay bago pa pumasok ng Fashion School sa London nag actress.

Sa tingin namin, supportive na dyowa naman si Luis at hindi tipong pakialamero. Kung magpa-sexy man sa mga pictorial ang aktres makipag-kissing scene man ay alam nitong trabaho lang ang lahat.

Naaliw kami nu'ng si-nabi rin ni Luis on national TV na siya ang tagabantay sa bantay. Huling bantay ang tawag kay Angel sa Lobo.
* * *
Napanood namin ang sizzling love scenes nina Claudine Barretto at Diether Ocampo sa Iisa Pa Lamang.

Pinahanga kami ng dalawang ito, sadyang napaka-professional nila, huh!

Naroon si Raymart Santiago nu'ng gabi ng press preview at nabalitaan naming hindi rin naman isyu kay Raymart ang tungkol sa love scenes ng asawa with Diet.
Maging si Raymart umano ay nagtataka kung bakit isyu ito para sa iba gayung alam naman niya at aware rin ang lahat na matagal nang artista si Claudine.

Kumbaga, hindi lang ito ang proyekto ni Claudine na may love scene. Kaya what's the fuss about?

Well, malamang dahil si Diet siguro ang kapareha ni Claudine kaya ganoon na lamang ang curiosity ng ibang tao. Na pati ito ay gustong intrigahin.

Basta, watch na lang tayo ng Iisa Pa Lamang. Tiyak na susubukan niyong magmahal muli habang pinapanood niyo ito. Ganoon ka-grabe.

Sa July 14 na po ito.

Source: Taliba