|
|
| Lupang Hinirang![]() Author: Aster Amoyo May song din palang ayaw nang kantahin ni Regine Velasquez, although nakanta na niyang minsan at napanood siya ng buong mundo, sa isang laban ni Manny Pacquiao, ito ay ang Pambansang Awit ng Pilipinas, ang Lupang Hinirang. Ito ang sagot ni Regine sa presscon ng kanyang bagong musical show sa GMA 7, ang Songbird, na mapapanood na simula sa Huwebes, May 15, pagkatapos ng telebabad sa GMA 7, nang tanungin siya kung mayroon daw siyang song na ayaw kantahin. Sa bagong musical show, every week ay magpi-feature sila ng guest singer, isang dream ni Regine ay ang ma-invite niyang mag-guest sa show ang megastar, Sharon Cuneta. Bakit nga hindi, madalas din naman siyang mag-guest sa Sharon ng megastar? Nang mapanood sa teaser ng show ang pagdu-duet nila ni Richard Gomez na nai-tape na niya, hindi raw ba sila nahirapang imbitahin sa show si Richard? Natawa si Regine dahil a dear and reliable friend daw si Richard at hindi na ito kailangang pilitin. Mahilig daw talaga itong kumanta at kung minsan nga raw ay tumatawag ito (Goma) sa PM ng SOP, si Ms. Darling de Jesus, at nagtatanong kung kailan naman daw siya maggi-guest sa Sunday noontime show. Pero sa pilot telecast ng Songbird, special guests niya sina Dennis Trillo at Gian Magdangal. * * * May dapat palang ipagpasalamat ang mga members ng STUDS sa kanilang manager, si Noel Ferrer, dahil hindi sila pinababayaang mawalan ng projects. Like si Edgar Allan Guzman, dating Mr. Pogi at Smart commercial model ngayon, kasama siya sa Ikaw Pa Rin (Bongga Ka Boy) movie nina Robin Padilla at Ai Ai delas Alas sa Viva Films na showing na simula sa Wednesday, May 14. Magsu-shooting na rin siya ng Manila scenes ng ITALY (I Trust And Love You) ng GMA Films at soon, isang indie film ang gagawin niya na tiyak na magiging big break sa kanya. Regularly ding napapanood ngayon si Edgar bilang isa sa cast ng top-rating afternoon show na Daisy Siete. Si Coco Martin na very successful indie actor, ay aalis para mag-attend ng Cannes Film Festival para sa movie nitong Serbis this week. Kilala na si Coco bilang isa sa Filipino actors sa mga international filmfests dahil nakasali na ang mga indie films niyang Masahista, Tirador, Tambolista at ngayon nga, ang Serbis. Katatapos lamang mag-attend ng acting workshop si Coco kay direk Laurice Guillen para sa bago niyang gagawing teleserye sa ABS-CBN, ang Wild Orchid na kasama si Roxanne Guinoo. Kung hindi naman napapanood ngayon si JC Cuadrado na mag-host sa Unang Hirit ng GMA 7, busy kasi siya ngayon sa mga hosting jobs niya ng mga events at may Alpo provincial tour pa siya. Nagwu-work out din siya dahil papasok siya as one of the characters sa Dyesebel kapag nagti-taping na si direk Joyce Bernal ng mga eksena sa lupa. At excited na si JC na siyang napiling mag-co-host ng prestigious na National Quiz Bee. * * * After four times na nominated for eviction, na-evict na rin sa PBB Teen Edition 2 Plus last Saturday ang teen housemate na si Marc Josef Elizalde of La Salle. Pinigilan ni Josef na maiyak dahil naiwanan niya ang co-nominee rin niyang si Nicole na mukhang nabuo ang love sa isa't isa sa loob ng bahay ni Kuya. Matulad kaya sila sa mga naunang housemates na na-develop ang love sa kapwa housemate pero paglabas ay nagkalimutan na rin sila at ang iba nga ay naging magkaaway pa? * * * Hindi naman nagpabaya si Robin sa pagpu-promote ng movie nila ni Ai Ai (Ikaw Pa Rin) sa Viva Films. Hindi man sila nakapag-promote na magkasama ni Ai Ai dahil magkaiba nga sila ng network, mag-isa naman siyang nagpu-promote ng movie na dinirek ni Wenn Deramas. Kahapon ay magka-duet sila ni Regine sa SOP at nag-imbita si Robin para sa premiere night mamayang gabi sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall. Bilang suporta kay Robin ng GMA Network, ipinalabas din sa GMA 7 ang "in the making of the movie" last Saturday morning. * * * Walang buntot si Marian Rivera sa Dyesebel ngayon, may paa na siya, pero mukhang dusa pa rin ang drama niya dahil may prosthetics naman ang kalahati ng maganda niyang mukha. Yes, pinapangit siya ni Amarfura (Rufa Mae Quinto), kapalit ng pagkawala ng kanyang buntot, at mapapanood na ito simula mamayang gabi. Ngayong may paa na siya, ano naman kaya ang gagawin ng sirenang naghahanap sa kanyang love, si Fredo (Dingdong Dantes)? * * * Sina Pops Fernandez at Gabby Concepcion ang hosts sa 38th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Foundation na live na mapapanood sa RCBC Plaza, Makati City on Wednesday, May 13 at 7 p. m. Tinanghal na Box Office King & Queen sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa pelikula nilang One More Chance na siyang tinanghal na box office movie for 2007. Sa May 17 naman ito mapapanood sa NBN 4 at Net 25 at 7 p. m. at may replay sa May 24, 6 p. m. sa Cinema One. Source: The Philippine Star |