|
|
| Lyrics ng 2 kanta, nakalimutan ni Connie FrancisColumn: Tattle CONNIE Francis didn't fail her audience, mostly senior citizens, who flocked to the Araneta Coliseum Thursday evening to watch her perform live. Connie sung most of her hits, a number of which have remained familiar to loyal followers: Where the Boys Are, My Happiness, Stupid Cupid, Among My Souvenirs, High Noon, Malagueña and Wishing It Was You. They sang with her. May kuwento si Connie tungkol sa Wishing It Was You. Nang binasa raw niya ang concept for her performance sa Pilipinas, nasa kontrata na "must" na awitin niya ang nasabing kanta. Medyo nakalimutan na raw niya ang nabanggit na awitin, since she finally remembered, na rito lang sa Pilipinas naging big hit ang Wishing It Was You. Binanggit din ni Connie na rito sa Pilipinas siya nagkaroon ng biggest fan base. Ang natatanggap niya raw na sulat mula sa Pinoy fans ay kasing-dami ng mga tagasubaybay niya sa U. S. Nagsimula si Connie sa kanyang career sa pag-awit nu'ng 1958. * * * SA nasabi ring concert, dalawang awitin ang nakalimutan niya ang lyrics. Kaya, kinailangan niyang sabihin sa pianist-cum-musical director to stop the music. Mabuti na lang at memorized pala ng kanyang piyanista ang lahat ng kanyang mga kanta. Ito ang nagdikta ng lyrics na nakalimutan ni Connie. Isa sa miyembro ng audience (na natural ay lalaki) ang sumigaw ng "I love you, Connie. " Parang nagulat si Connie sa tinuran ng lalaki, lalo't nang dugtungan ito ng "Will you marry me?" Ayon kay Connie, paglapag pa lamang sa NAIA ng eroplanong sinakyan niya, impressed na siya sa bawat Filipinong nakasalubong. They all wore smiles on their faces daw, bukod pa sa magagalang. "Just like people in New York," aniya. Pero, mabilis niyang dinugtong na nagbibiro lang siya. Dahil siguro sa alam ng management ng Araneta Coliseum na ang karamihan sa mga manonood ay tulad ni Connie na senior citizen, they made an ambulance readily available. Ito'y bukod pa sa maraming doctor at nurse na puwedeng maglapat ng first aid in case anything untoward happens sa mga manonood. Mabuti na lamang at natapos ang concert na safe and sound ang lahat. * * * AMINADO si Diether Ocampo na nililigawan niyang muli si Kristine Hermosa. Maguguluhan ka tuloy kung ano talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon. After all, 'di nga ba at na-publicize na ikinasal sila sa Jaen, Nueva Ecija? Pero, dahil nga sa ilang teknikalidad, nag-file si Kristine ng annulment of said marriage. Kaso, hanggang ngayo'y wala pang desisyon ang korte. Nangangahulugan lamang ito na technically speaking, married pa rin ang dalawa. Between Diether and Kristine, mas busy ang huli, where showbiz is concerned. May teleserye siya, kung saan kasama niya ang napapabalitang masugid niyang manliligaw na si Oyo Sotto. Isa rin siya sa mga bituin ng malapit nang ipalabas na movie ng Star Cinema, My Big Love. Source: People's Tonight |