|
|
| MARIAN AT ANGEL NAGYAKAPAN! Relasyong Marian-Dingdong mas tumindi!![]() Author: Jun Nardo Trabaho at saglit na bakasyon ang puntirya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ngayong nasa Singapore sila at pagkatapos naman ay sa Malaysia ang destinasyon nila. “Ni-request kasi kami ng mga tao roon para sa Dyesebel, kasi parang nalagay na siya sa DVD. Tapos, ni-request uli ng mga tao na makita uli kami together. “So dalawang araw kami sa Singapore at dalawang araw sa Malaysia. Tapos, uwi na rito at taping uli! Ha! Ha! Ha! “Naghahabol kasi kami, dahil masyadong madugo ang Darna!” pahayag ni Marian nang pumasyal kami sa taping ng series sa Plaridel, Bulacan. “Si Dong lang ang may Starstruck. Nakakahiya namang ma-involved doon. May mga cast na maghu-host doon,” sagot ni Marian. Pero, bakit nga ba mukhang pumayat siya dahil sa suot niyang costume, super-umbok ang kanyang boobs, huh! “Tapos, nagkalagnat ako ng three days. Heto nga may sipon pa ako, kasi hindi maiwasan dahil naka-bra at panty lang ako, eh, mahamog! Kung hindi man matutuloy ang filmfest movie sana niyang Nieves, masasabi kaya niyang itong darating na Christmas ay kanyang happiest, merriest at loveliest? “Siguro, oo! Na-realize ko na habang nagtatagal ako sa showbiz, nagma-mature ako. Kaya minsan, sabi ko, 'Ay, hindi na ako bata!' “Kay Dong, okey kami. Masaya kami. Walang pagbabago at alam kong alam mo 'yan! May sinagot siya sa 'yo. “So, happy ako dahil lahat ng bagay, pumupunta sa kanya-kanyang puwesto,” kuwento pa rin ni Marian. So, walang ginagawa si Dingdong na ipagseselos niya? Ang sarap naman! “Wala naman akong naririnig na may ibang babaing lumalapit sa kanya. At saka, wala naman! Trabaho lang 'yon gaya ko dito sa Darna. Ganoon din siya. Basta ang importante, kaming dalawa ay okey,” deklara ng young actress. Eh, ano ang masasabi niya sa humihiling na magsama silang muli ni Dong sa bagong series? May oras pa ba sila ni Dong na lumabas? Best friend din bang maituturing niya ang actor? Paano niya idi-describe ang relasyon nila ngayon? Teka, bakit wala pang kumpirmasyon mula sa bibig nila sa relasyon nila? Ayon pa kay Marian, hindi porke sweet sa kanya si Dong, 'yun na ang kaganapan ng kaligayahan. 'Yung pag-effort ng actor na pasyalan siya at bigyan ng oras na makipagkita sa kanya ay ina-appreciate na niya nang sobra-sobra. Teka, may balitang nagkita at nagkausap sila ni Angel Locsin. Kumusta ang pagkikita nila? “Nagpunta siya sa bahay ni Popoy (manager ni Angel) at doon kami nagkita ni Angel. Kumustahan. 'Thank you, Lord, dahil nagkita tayo!' Matitigil na 'yung sinasabing hindi kami magkasundo. Picture-picture kami. Hug! Hug! “Sabi ko din sa kanya, thank you. Thank you din siya sa akin dahil tinulungan ko siya sa auction niya,” kuwento ni Marian na ibinigay ang kanyang yellow gown, damit na sinuot sa concert sa Amerika at bag. Source: Abante |