|
|
| MARIAN, HINDI NAGSASAWA KAY DINGDONG! Paghuhubad ni Dingdong, 'di type ni Marian!![]() Author: Dondon Sermino Prangkahang sinabi ni Marian Rivera na hindi na siya tumatanggap ng manliligaw. Kunsabagay, bakit naman kailangan pang tumanggap ng manliligaw, kung may karelasyon ka na, 'di ba? “Hindi na talaga ako tumatanggap ng manliligaw! “Wala lang,” pangiti-ngiting bungad na sabi ni Marian. Kung ikaw nga naman si Marian, at nandiyan palagi sa tabi mo si Dingdong Dantes, hindi mo na rin talaga maiisip na maghanap ng ibang kasama. “Wala na kasi talaga akong ibang dini-date talaga. Wala na akong ibang nakakasamang manood ng sine, o kumain sa labas. Si Dong lang talaga. “At saka, puro taping din naman kami. Kapag wala akong taping, wala rin siyang taping. So, kami na lang ang nagkakayayaan na kumain sa labas, o manood ng sine...” pahayag niya. Hindi ba siya nagsasawa kay Dingdong? Kasama na niya sa trabaho, kasama pa niya kapag walang trabaho. “Hindi ako nagsasawa!” iglap na sabi niya. Oo nga naman, hindi naman dapat na pinagsasawaan ang taong mahal mo. “Ahay! Ha! Ha! Ha! Ha!” tila kinikilig na reaksiyon ni Marian. Hindi nga nakakasawang kasama ang mahal mo. “Ikaw talaga! Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang say niya. Hindi ba sila nauubusan ng pinag-uusapan ni Dingdong? “Hindi po!” Hindi na ba sila kailangang mag-usap? “Ha! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang reaksyon lang ni Marian. “Pero, ang madalas naming pag-usapan ay 'yung nangyari sa taping, `yung mga nakakatawa. Kung anu-anong story lang. Tapos, minsan kuwentuhan sa kung paano kami nagsimula sa showbiz. “Kinukuwento niya ang pamilya niya, kinukuwento ko rin ang pamilya ko. So, hindi talaga kami nauubusan ng kuwento. “Minsan, tungkol sa mga ayaw namin sa ibang tao. O `yung mga experience namin sa pakikipag-date noon. “Puro sharing ang nangyayari sa amin. So, hindi talaga kami nauubusan ng kuwento,” dugtong na pahayag ni Marian. Nagkaroon na ba sila ng matinding away ni Dingdong? “Hindi pa. Puro tampuhan lang! “Puro ar-ar lang. Puro arte-arte lang. Ha! Ha! Ha! Ha!” Gaano katagal inaabot ang tampuhan nila ni Dingdong? “Naku, mga one minute lang. Mahilig kasi akong mang-asar. Eh, napikon si Dingdong. Ako rin, pag inasar mabilis mapikon, pero mabilis mawala. “Kung ano-anong asaran lang kami! Wala lang talaga.” Sabi nga ni Marian, magkasundung-magkasundo sila ni Dingdong sa halos lahat ng bagay. “Pareho kaming August pinanganak. August 2 si Dong. August 12 ako. Parehas kaming Leo. Ang alam ko sa Leo, kung hindi sobrang magkasundo, sobrang magkaaway.” Nagselos na ba siya kay Dingdong? “Wala pa!” Si Dingdong ba, nagselos na sa kanya? “Hindi ko alam sa kanya. Pero, wala rin naman kasing dahilan para magselos siya.” Oo nga, hindi ka naman nakikipaglandian sa ibang lalaki, at ayaw mo na ngang magpaligaw sa iba, `di ba? “Ha! Ha! Ha! Ha!” Loyal na loyal ka talaga kay Dingdong, ha? “Eversince naman, loyal naman talaga akong tao!” So, ang suwerte talaga sa iyo ni Dingdong? “Ha! Ha! Ha! Ha!” So, pareho pala kayong masarap karelasyon? Masarap maging boyfriend si Dingdong, at masarap ka namang maging girlfriend. “In fairness sa aming dalawa, never talaga kaming nag-away ng sobra. Magkasundo talaga kami sa lahat ng bagay. Kahit sa maliliit na bagay, parehas kami. “Like, parehong ayaw namin ng sinungaling. Okey kami sa ganun. “Kahit sa pagkain, pareho kami. Pareho kaming mahilig sa sinigang, kahit anong sinigang.” Marunong ka bang magluto? “Oo naman, kahit anong pagkain!” Nasasarapan ba si Dingdong sa mga luto niya? “Siguro naman po! Ha! Ha! Ha! Ha!” Pati ba sa pagpili ng mga panonooring pelikula ay magkasundo sila? “Siya ang madalas na nagsasabi kung ano ang magandang movie. Like `yung last movie na pinanood namin, 'yung The Reader. Ang ganda, naiyak ako! “Ang galing-galing ni Kate (Winslet). At in fairness sa kanila, kahit `yung nakahubad, hindi iniiwasan, at hindi `yun ang nakikita sa kanila, kundi `yung husay nila sa pag-arte.” Kaya ba niya ang ginawa ni Kate sa The Reader? “Ay, hindi po! Ha! Ha! Ha! Ha!” Eh, `yung ginagawang pagpapaseksi ni Dingdong, wala bang problema sa kanya? Kumbaga, okey lang ba sa kanya na nagpapaseksi ang boyfriend niya? “Kung boyfriend ko siya? Para sa akin, huwag naman 'yung sobra. Ayoko naman nu'ng sobra-sobra!” Eh, mas agresibo raw sa paghuhubad si Dingdong ngayon? “Ah, talaga? Ha! Ha! Ha! Ha! “Basta, huwag naman sobra!” Kumbaga, magtira naman siya para sa iyo? “Oo! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kasi, ganito `yon, eh. Kung halimbawang ako naman ang may boyfriend, okey lang ba sa kanya na naka-2 piece ako? Hindi rin naman, `di ba? So, parang ganun lang! “Pero kay Dingdong ngayon, buhay niya `yon, siya ang nagdidesisyon para sa sarili niya. Artista rin naman ako, at kung ano ang makakaganda sa career niya, alam naman niya 'yon. “At saka, alam din naman niya ang limitations niya.” Eh, ikaw sinisita ka ba ni Dingdong sa ginagawa mong pagpapaseksi? “Minsan niloloko niya ako na huwag naman sosobra, na mag- “Eh siya, lalaki naman siya. Iba naman ang lalaki sa babae!” So, ayaw rin niya na nakikita na palagi na lang naka-briefs si Dingdong sa mga billboards at pictures nito? “Para sa akin, ayoko rin. Ayoko `yon! Ha! Ha! Ha! Ha!” say na lang ni Marian. Siyanga pala, bukod sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nila ni Dingdong, may bagong show si Marian sa GMA 7, ang Walang Pera?, na kung saan ay si Mike Enriquez naman ang makakasama niya. Gaganap si Marian bilang Juana dela Cruz, o papel ng iba't ibang biktima ng recession. Sa Holy Week (Black Saturday) naman ay mapapanood si Marian, kasama si Dennis Trillo, sa Sugat ng Kahapon, na prodyus ng APT Entertainment. Source: Abante |