|
|
| MARIAN, 'PLASTIKADA' PA RIN NGAYONG 2009?Author: Rey Pumaloy Ngayong 2009, nangako si Marian Rivera na mas magiging matsika na siya sa entertainment press. “Gusto ko na mas maging matsika sa press. 'Yun kasi ang problema sa akin, `yung masyado akong mahiyain,” bungad na sabi ni Marian. Pero, hindi raw nangangahulugan `yon na magiging plastic na siya sa mga manunulat. “Hindi ako naging plastikada kahit kailan. Kung naging plastikada ako, 'di sana walang nagagalit sa akin. “Pero, ito talaga ako. Anong magagawa ko? Ito talaga ako. “Ang hirap naman kasi nung... Sige, kapag naging ganito naman ako, let's say, po at opo, baka isipin nila, plastikada talaga ako. “Sa akin, kung ano ako, `yun ako. Sa ganito ako minahal ng fans ko, bakit ko babaguhin? “Kung ano `yung Marian Rivera na nakilala nila, hindi ko dapat baguhin `yon! Ako kasi, as long as wala akong inaapakang ibang tao, at alam ko na marami akong napapasayang mga tao, okey na `yon. Wala naman sigurong problema sa ginagawa ko.” Eh, pagdating sa mga fans, babaguhin din ba niya ang trato niya? May mga nagsasabi na hindi siya magiliw sa mga fans, lalo na `yung mga nagpapa-picture sa kanya, na diumano ay madalas niyang simangutan? “Pinababayaan ko na lang `yon. Okey naman ang pakikisama ko sa mga fans. Bakit naman ako tatanggi o sisimangot sa mga fans? “Wala akong problema sa mga fans. Siguro, sa ibang press, medyo nami-misinterpret nila ang attitude ko. Kasi nga, nahihiya ako sa ibang press na hindi ko masyadong kilala. “Pero, `yung mga kakilala ko naman na press, nilalapitan ko talaga sila, kinukumusta ko sila, kapag nakikita ko sila. “Doon sa mga hindi ko pa kilala, naghe-hello naman ako kapag nakikita ko sila. “Siguro, kulang lang talaga ako sa ano... I mean, `yung 'kumusta po...' “Kaya nga this year, mas magiging palabati na ako. Naisip ko kasi, 'yung sobrang pagiging mahiyain ko sa press, hindi talaga nakakatulong. Iniisip siguro nila na sinusupladahan ko sila.” Muli naming tinanong si Marian tungkol sa obserbasyon ng iba na talagang lumaki nang husto ang ulo niya. Na kesyo umakyat talaga sa ulo niya ang kasikatan? “Hindi ko nga iniisip na sikat ako, eh! Ano naman ang mapapala ko kung iisipin ko na sikat ako? Wala naman, `di ba?” sagot ni Marian. Anyway, nagsimula na nga sina Marian at Dingdong Dantes sa bago nilang teleserye sa GMA 7, ang 'Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang'. Alam ni Marian na hindi na matitigil ang tsismis sa kanila ni Dingdong. Pero, ayaw na raw niyang intindihin pa ang mga intrigang ibabato sa kanila ni Dingdong. “Sabi ko nga, tinapos ko na 'yung mga intriga sa amin ni Dingdong. Tinuldukan ko na `yung intriga sa amin nung 2008! “Sabi ko nga, 2009 na, kaya tama na, tigilan na ang intrigang `yan! “Ayoko na rin ng intriga. Napagod na ako! Nakaka-stress din kasi ang mag-entertain ng mga tsismis, lalo na at hindi totoo. Sabi ko nga, deadma na lang ako sa mga tsismis ngayong 2009!” Teka, type ba niyang maging bongga ang relasyon niya ngayong 2009? “Okey lang ang magpaligaw! 'Yun ay kung makakatiis siya sa klase ng trabaho ko. Ang dami kong ginagawa, eh,” nakangiting say na lang ni Marian. Source: Abante |