|
|
| MATTEO GUIDICELLI, HULOG NG DIYOS?![]() Author: Alfie Lorenzo MIRACLES have been happening to me for the rest of my 50 years devotion to the Black Nazarene in Quiapo and the blessed Sto. Niño. Sa tagal ng debosyon ko sa Mahal na Nazareno, anumang hilingin ko sa Quiapo pagdating ko ng bahay ay nandoon na! At ang mahal na Sto. Niño na nasa mga Carmelite Sisters sa Pampanga ay never nagkait sa amin ng tulong kailanman. Kaya maluwag kong masasabi na “anak” nga kami ng Diyos! We were never lucky in any raffle draw. That's a given already. Sa mga showbiz gatherings na may pa-raffle, never kaming nanalo ng anupaman. Last year, nasunog ang aming microwave oven. For the first time sa Christmas raffle ni Dingdong Dantes sa Imperial Palace Suite ay nakalampas na naman sa amin ang mga TV, refrigerators, washing machines, cash prizes. Sukat ba namang ang napanalunan namin ay microwave oven! Sabi ko, pinalitan ni Sto. Niño ang nasunog naming microwave oven! Doon sa pa-raffle ni Richard Gutierrez kaugnay ng bago niyang endorsement na Unique toothpaste, nanalo raw kami ng TV set but then, na-late kami ng dating sa venue kaya forfeited ang napanalunan naming TV set. Eh, papaano naman kasi, nagkalat na ang mga TV sa bahay ko, noh! Hindi ko kailangan 'yun. Sa Christmas party ng GMA Network, umalis kami ng bahay na pinuproblema ng labandera ang nasira niyang washing machine. Ipapagawa raw. Hindi na kailangan, gamitin mo na ang mga kamay mo sa paglalaba, sabi ko sa labandera. Mas mahal pa pag pinagawa 'yun kesa bibili ng bago. Then, miracle of miracles - nalampasan kami ng sangkatutak na cash prizes at iba pang items na pina-raffle. Sure ako na mahuhulaan niyo kung ano ang napanalunan ko sa raffle draw na 'yun - yes, tama kayo, isang washing machine, anofi! O debah naman. God provides indeed! Ninakawan kami at tinangay lahat ang mga collection ko ng alahas since 1970 kabilang na ang mga mamahaling iba't ibang tatak ng relo. So, ang natira lang sa akin ay 'yung suot kong Tag Hauer na nasira naman at nag-stop. Sino kaya ang magreregalo sa amin ng relo, tanong ko sa sarili ko, knowing God will indeed provide. Nu'ng party sa bagong bahay ni Mother Lily sa Greenhills ay nagkita kami ni Girlie Rodis na nu'ng '80s ay halos ipagduldulan sa amin ang mga Swatch watches na bagong distribute ni Virgie Ramos na 'di ko naman type dahil 'di ka-level ng mga named-brand watches ko na nanakaw na. Pagtitiyagaan na namin ang swatch for want of one. Eh, siguro alam ng Girlalu na itis na kailangang-kailangan namin ang relo kaya nagdadamot na ang bruha! Hiningian namin si Girlie ng relo. Sagot ng bruha: “Bakit akin ba 'yun?” Meaning, kanya raw ba ang mga Swatch watches na ipinagduduldulan niya dati para maisulat lang ang alaga niyang si Rachel Alejandro. Baka 'di na hawak ni Girlie si Rachel ngayon kaya 'di na siya makahingi ng relo? Pag-uwi namin ng bahay ay naabutan na namin ang mga diniliber na DVD tapes na pina-transfer namin from our VHS copies. Dumampot kami ng isa and played it. Ito 'yung co-host pa kami ni Inday Badiday sa “Eye to Eye”. Aba, meron pala kami roon na one-liner namin tungkol sa Girlie Rodis na 'yan na sira-ever ang PR. Noon pa pala 'di ko na type ang Girlalu na 'yun! Magdamot ba ng relo? PAMI member pa man din 'yan, huh! This week, from out of the blues ay dumalaw sa bahay ko nu'ng Linggo si Matteo Guidicelli. Galing siya ng Chicago kung saan siya kumukuha ng kursong pang-showbiz. Umuwi lang si Matteo para rito mag-Pasko at New Year. Dapat ay babalik na ng Chicago si Matteo, pero nag-extend siya ng ilang araw para makapag-guest sa “SOP”. Napanood nga namin siya roon at nagulat kami dahil alam kong taga-ABS-CBN siya. Kaya tinawagan namin ang manager niyang si Joji Dingcong na dating manager ng suwail na Piolo Pascual. At nagkuwentuhan kami sa phone, not knowing may surprise visit sa amin ng apo kong si John-John itong Italian racer. Pagkatapos niyang mag-guest sa SOP ay nagpalipas-oras muna si Matteo bago tumuloy sa amin ng 5:00 p.m. kasi wala ang apo ko at nakipag-birthday sa anak ni Direk Joyce Bernal. Tatlong oras naghintay si Matteo kay John-John. May bitbit siyang Christmas gift for my apo - toy Transformer na bitbit niya from Chicago pa.How thoughtful indeed! Kasama ni Matteo ang handler niya. Kuwentuhan kami habang hinihintay ang pagdating ni John-John. Pamilyar na si John-John kay Matteo kahit once lang nakita ni John-John sa ABS-CBN si Matteo 2 years ago. Kaya pagdating sa bahay ni John-John niyakap agad niya si Matteo kasi bago umalis ng Pilipinas si Matteo ay binigyan niya si John-John ng flute na gawa sa Cebu. Kaya tandang-tanda ng apo ko 'yung kind gesture ng Italian boy from Cebu. Magaling mag-Cebuano si Italian boy na 18 years old na ngayon at pagbalik niya sa April he will stay for 3 months daw at magsu-showbiz uli. Bibiyahe pa patungong Alabang si Matteo. Pababa na siya ng hagdan nang bigla siyang bumuwelta, naalala siguro niya na may gift siya sa apo ko, sa lolo niya wala. Biglang hinubad ni Matteo ang suot niyang relo at inabot sa akin. “For you, Tito Alfie, kanina lang 'yan,” ani Matteo. Would you believe, isang brand new Swatch watch - the kind that Girlie Rodis never gave us! Oh debah God-sent talaga si Matteo Guidicelli out of the blues, bigla na lang umapir to bring me what I needed most! Another miracle, debah naman Joji Dingcong? Salamat! Salamat for driving away my Sunday blues, Matteo! Source: Abante |