|
|
| MMFF entry ni Ai-Ai, nameligro!Author: Ogie Diaz Magpapasko na, sa halip na magkaayos, tila lalala pa ang kontrobersiya sa pagitan nina Marian Rivera at Karylle matapos ang guesting ng anak ni Zsa Zsa Padilla sa The Buzz nu'ng Sunday. Sa Tough Ten segment, itinanong ni Kuya Boy Abunda kung ano'ng comment ni Karylle sa isyung buntis si Marian. 'Kala ng mga manonood, magsasalita si Karylle, pero idinaan lang nito ang sagot sa pag-smile! Natural, mag-iisip ngayon ang mga manonood. Buntis nga ba si Marian? Ba't ganu'n ang reaksiyon ni Karylle? May alam ba siya kung buntis nga't si Dingdong Dantes ang ama? * * * Umingay ang presscon ng Desperadas 2, dahil hindi dinaan sa ngiti, bagkus nag-react pa nang bonggang-bongga si Marian. Tao lang si Marian, nasaktan sa "no reaction" ni Karylle, kaya napaiyak din siya sa presscon. Kung sa iba 'yon, hindi 'yon papatulan para 'wag nang humaba pa, pero si Marian, nagdayalog pa ng, "Na-offend ako," with matching, "Hindi ako buntis!" Mahal at hindi raw niya sisirain ang kanyang career. Sa dami raw ng blessings na dumarating sa kanya, hindi niya gagawin 'yon. Sa puntong ito nagkamali si Marian. As if naman, hindi "blessing" ang pagkakaroon ng anak. Blessing 'yon, Marian. Blessing 'yon. Gusto na lang naming isiping na-wrong choice of words si Marian. Ang ibig niya sigurong sabihin ay magiging ina rin siya, pero hindi pa ngayon sa height ng kanyang career. Ano naman kaya ang isasagot ni Karylle sa "pagkapikon" ni Marian? Ngitian pa rin kaya niya 'to? O, magdayalog na siya ng, "Next topic, please. .. "? * * * Hanga rin kami kay Kuya Boy. Imagine, siya ang nagtanong, pero ang concentration ng issue ay sa pagitan lang nina Marian at Karylle. Kung babasahin namin ang sitwasyon, tila "nakaganti" na nang pailalim si Kuya Boy kay Marian. Malinis pa rin ang mga kamay ni Kuya Boy sa isyung pinag-uusapan ngayon. Kung matatandaan, muntik nang mapikon si Kuya Boy sa P. O. V. segment ng The Buzz nang mag-text kay Kris Aquino ang kaibigan nito at manager ni Marian na si Popoy Caritativo para sabihing ang sabi ni Marian, hindi kilala ng ex-bf niyang non-showbiz (si Ervic Vijandre) si Boy Abunda, kaya paano raw nasabi ng huli na kilala niya ang una? Ang sagot ni Kuya Boy, "Nais ko lamang sabihin na hindi karangalan, karagdagan o kabawasan sa aking pagkatao kung hindi ako kilala ni Ervic!" At ang pagtatanong ni Kuya Boy kay Karylle kung buntis ba si Marian ang "ganti" ni Kuya Boy? Naiimadyin na rin namin ang tili ni Kuya Boy, "Trabaho lamang ang aking ginagawa. Nagtanong lamang ako kay Karylle, hindi ako nag-comment!" * * * Bagong-bihis na ang Ai Sarap Resto ni Ai-Ai de las Alas nu'ng makita namin nu'ng Sabado. Simple ang set-up ng stage. Meron na kasing tumutugtog na banda at ipoporma na rin ang acoustic singers nila. "Pero, magse-serve pa rin ng lunch sa tanghali. Sa gabi nga lang, bar na 'to. Inuman. Live music ang mapapakinggan nila. "Siguro, 80 persons ang kakasya. May VIP pa kami na pang-private functions ang dating. " Naka-afro look si Ai-Ai nang gabing 'yon, kaya 'yung iba'y hindi agad siya nakilala at nagugulat pa. Nakita naming dumating si Erik Santos at andu'n din si Direk Wenn Deramas. "Nalokah ako," umpisa ni Direk Wenn nu'ng makatsikahan namin, "Muntik nang hindi maipalabas ang Ang Tanging Ina N'yong Lahat, kasi nagkaproblema sa seal of the President. " Ay, oo nga pala. Naging presidente pala ng 'Pinas si Ai-Ai sa pelikula. "Eh, gayang-gaya kasi 'yung seal of the President, nakalagay sa constitution, illegal 'yung kopyahin o gamitin mo 'yon at tanging Pangulo lamang ng Pilipinas ang may karapatan doon. "Panoorin mo ang pelikula para malaman mo kung paano namin ginawan ng paraan 'yung seal of the President. " May premiere night sa SM Megamall ang pelikulang ito ni Ai-Ai sa Dec. 18, sige nga at tingnan namin kung ano'ng remedyo ang ginawa ni Direk Wenn. * * * Sa mga gusto kaming maka-text, just type Ogie On at i-send sa 2366. Source: People's Tonight |