|
|
| MMM pinilahan!![]() Author: Pilipino Star Ngayon Maraming natawa sa pelikulang My Monster Mom na nagsimulang ipalabas kahapon. Promise, natawa sila sa sobrang kanaturalan ni Ms. Annabelle Rama at anak niyang si Ruffa. Parang drama raw nila sa totoong buhay ang napapanood nila at muntik nilang makalimutan na nasa sinehan sila. Kaya naman naka-almost P5 million ito sa opening day. Pero hindi naman daw lahat ay natawa kundi may naiyak din. Kaya nga raw sulit na sulit ang panonood nito sa lahat ng may gustong saksihan ang cariño brutal ng natatanging 'monster mom' ng Philippine showbiz na si Annabelle Rama. Patunay lamang na pinaghandaan at pinaghahandaan ang My Monster Mom sa mga nagnanais ng dekalidad na pelikulang magpapasaya sa bawat pamilyang Pilipino, ayon na rin kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar. "This movie is one of a kind. . . something that no other combination of artists could ever pull off. That's why it's a must-see! Everyone will be lauching off their seats. I promise!" Ipinagmamalaki ni Regal Films President Mother Lily Monteverde ang My Monster Mom dahil malapit ito sa puso ng bawat Pilipino lalo na ang may mga itinuturing na 'monster' mothers. "The reason why I produced this movie is because it identifies with everybody. It's like a universal theme for all mothers and daughters and even mothers-in-law. There's a value and moral lesson. The relationship between mother and daughter will always be bonding and the movie centers on this. I am sure everybody will be able to relate to this movie. " Ang My Monster Mom ang comeback movie ng nag-iisang monster mom ng Philippine showbiz na si Annabele Rama. Source: The Philippine Star |