|
|
| Magandang aktres, niregaluhan ng bagong kotse ng boyfriendColumn: Bading BLIND item: Isang magandang aktres ang tumawag sa amin kamakalawa. Ang sabi niya, "Naku, Mare, hanggang ngayon, shocked pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to sa 'yo, nanginginig pa 'ko!"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari? Ano'ng problema? "Nalokah ako sa boyfriend ko. Akalain mo, pagbaba ko ng hotel, merong isang brand new car na nasa harap ko. Sabi ko, ano 'to? "Tapos, maya-maya, 'yung boyfriend ko, lumapit sa akin. Binigyan ako ng flowers, sabay abot ng car keys at sabi, 'Happy monthsary, Honey!' "Juice ko, hindi ko talaga alam kung ano'ng ire-react ko. For the first time, merong lalaking nagreregalo sa 'kin. Kilala mo naman ako. Ako ang nagreregalo sa lalaki, 'di ba? Dahil sila, hindi mo rin maasahang maging thoughtful. "Pero itong boyfriend ko ngayon, sobrang na-touch talaga ako. Hindi kasi ako sanay na nireregaluhan ng ganito, kaya speechless pa rin ang byuti ko!" Hahaha! Sabi namin sa aktres, "Monthsary lang 'yan, ha? Hintayin mo sa susunod na monthsary mo, baka house and lot na!" "Naku, kahit hindi na. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling, grabe!" * * * NAKATUTOK kami kahapon sa mga anak ng basurero na contestant sa Bigat-10 portion ng Wowowee. Very touching ang mga eksena, lalo na 'pag humahagulgol na ang mga bata at nangangako sa mga magulang nang harapan na magsisipag sila o mag-aaral mabuti para makatulong sa magulang. 'Yung isang batang lalaki, panay ang hagulgol, lalo na 'pag isa-isa nang naglalapitan ang mga TFC subscriber na audience para bigyan pa siya ng pera. Kahit kami'y naiyak, sa totoo lang. Pero eto, suggestion lang kay Papi Willie Revillame. Sana, kung magbibigay siya ng pera sa mga bata (lalo na at bata), pantayin na lang niya. Iba-iba kasi, eh. May five, six, seven at 10 thousand pesos. Depende kapag naantig mo ang puso niya ang kanyang ibibigay sa bata. Alam naming mas bibigyan ni Willie nang mas malaki ang mas nangangailangan. Depende sa sitwasyon ng buhay. Pero sana, pantay-pantay na lang ang bigay. Kasi, feeling namin, parang. .. ano, eh. .. ahm. .. Ayan, naiiyak na kami. 'Wag na nga. * * * TINITIGAN naming maigi ang byuti ni Pauleen Luna nu'ng umupo siya sa harap namin sa contract signing ng renewal niya bilang endorser ng Renew Placenta Whitening Soap, Lotion and Cream. Pantay ang kulay ng alaga ni Ate Lolit Solis, "Naku, alam mo ba, Tito Ogie," pagbibida ni Mommy Chat, "Sa isang shoot, nasunog ang balat ni Pauleen. Na-tense ako. "Buti na lang, hindi naman sa pag-aano, nandiyan ang Renew Placenta, bumalik ang dating kutis ni Pauleen. Sobrang ganda ng produkto. Ako mismo, gumagamit, kaya pantay ang kulay, pati siko ko. " Hindi namin tuloy alam that time kung si Pauleen ba ang nag-renew ng kontrata bilang endorser o si Mommy Chat. Hahaha! Honestly speaking, tama ang sinabi ni Mommy, dahil magaspang ang braso namin. Pero nu'ng gumamit kami ng Renew Placenta Whitening Lotion, in fairness, kuminis at pumuputi ang braso namin. Kaya feeling namin, kamukha na namin si Pauleen... Sa braso lang naman. Source: People's Tonight |